prusisyon ng mga pustura
ulan na lamang ang hindi bulaan
na kahit dito sa aking galit
ay, namamangha ako sa iyo
at sa loob ng pagkamangha
may nilalamon ang tubig
hindi singungaling
dahil walang mensahe
ang buhos, walang pagtataka
bakit pinili mong sa kanya
magmano, humingi ng pang-unawa
magkuwento, magpakuwento
Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Hul 30, 2013
nakuha mo na kung ano ito
Hul 20, 2013
Hindi malayong mangyari
Ang nilalanggam na buwan;
ang papel, kapag nababad sa sinag
sinasabi nating nagliliyab
ang mata;
asul na panutsa
sa alapaap / ang nakalipas
doon, patuloy silang naghuhukay
kapwa nating mga panandalian;
May isang ilalim, wika
ng alamat / kung saan kusa
maari na tayong mamaluktot.
ang papel, kapag nababad sa sinag
sinasabi nating nagliliyab
ang mata;
asul na panutsa
sa alapaap / ang nakalipas
doon, patuloy silang naghuhukay
kapwa nating mga panandalian;
May isang ilalim, wika
ng alamat / kung saan kusa
maari na tayong mamaluktot.
Hul 8, 2013
Agham Rd.
Tao po, tao—dadapo lang sana
sa inyo—maghahabol ng hininga—
Wala sa barong-barong ang pag-asa,
hawig man ng pag-asa ang barong-barong:
lumalangitngit, tumatalbog-talbog
ano mang sandali ang nadilihensya
kahapon, sa delubyo. Nakabingwit
ng isda... may mabuting-loob sa kanto.
Salamat po! Tatayo na lang dine—
kaunting teka—tutukod sa mga tuhod—
Ano iho, maaabutan pa kaya ang hininga?
Ayon po sa awit—asa ganireng lugar
ang pag-ibig na walang pamemeke.
Sanlaksang halakhak sa basag na bote
ang isinusukli sa ganyang buga ng isip.
Pero sige, hahayaan kitang yumapos.
Teka laang po—hindi pa kasi paligo—
Sino man sa naririto ang malakas:
mangyaring iangat ang sarili, at lumakad.
sa inyo—maghahabol ng hininga—
Wala sa barong-barong ang pag-asa,
hawig man ng pag-asa ang barong-barong:
lumalangitngit, tumatalbog-talbog
ano mang sandali ang nadilihensya
kahapon, sa delubyo. Nakabingwit
ng isda... may mabuting-loob sa kanto.
Salamat po! Tatayo na lang dine—
kaunting teka—tutukod sa mga tuhod—
Ano iho, maaabutan pa kaya ang hininga?
Ayon po sa awit—asa ganireng lugar
ang pag-ibig na walang pamemeke.
Sanlaksang halakhak sa basag na bote
ang isinusukli sa ganyang buga ng isip.
Pero sige, hahayaan kitang yumapos.
Teka laang po—hindi pa kasi paligo—
Sino man sa naririto ang malakas:
mangyaring iangat ang sarili, at lumakad.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)