Tao po, tao—dadapo lang sana
sa inyo—maghahabol ng hininga—
Wala sa barong-barong ang pag-asa,
hawig man ng pag-asa ang barong-barong:
lumalangitngit, tumatalbog-talbog
ano mang sandali ang nadilihensya
kahapon, sa delubyo. Nakabingwit
ng isda... may mabuting-loob sa kanto.
Salamat po! Tatayo na lang dine—
kaunting teka—tutukod sa mga tuhod—
Ano iho, maaabutan pa kaya ang hininga?
Ayon po sa awit—asa ganireng lugar
ang pag-ibig na walang pamemeke.
Sanlaksang halakhak sa basag na bote
ang isinusukli sa ganyang buga ng isip.
Pero sige, hahayaan kitang yumapos.
Teka laang po—hindi pa kasi paligo—
Sino man sa naririto ang malakas:
mangyaring iangat ang sarili, at lumakad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento