Set 14, 2013

de Incendio

Kagaya sana ng iyo. Itong aking araw,
kung paano pinakalas ang boca de agua

Upang tastasin ang kapok sa puno, ipaanod
sa pwersa, ihain sa estero ang mapagpanggap:

Ulap daw, kesyo niyebe, luoy na crema de
usok, o pisat na nata sa agos ng aspalto.

Habang nauupos ang pahinga,
kinapanayam ko ang bato,
"ano bang kinakain mo't pagkahaba-haba ng

Iyong buhay?" Makatitig naman sa akin.
Alam nito kung saan ka nakatira.