Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Peb 3, 2014
WHEN LAST WE SAW EACH OTHER
a loose translation
of Wena Festin's
"NOONG HULI TAYONG MAGKITA"
I have gained possession of
The sparkle in your eyes
Your toothy smile
Rough head of hair
Warmth of your embrace
Little did you know
I took you home with me that night, and
Sleep ceased coming easy, or deep
Dawn breaks humid
And in the middle of work
I wish to go home
Take back the sleep I lost, but
You are there
You will rouse me
If only I could return you
And these borrowed dreams
How to scrub this body
Free of our final coming together?
________________________________________
Sa pagkakataong ito, naipagpaalam ko sa makata ang pagpapaskil ng orihinal na akda. Swerte tayo, at nabigyan ng pahintulot.
NOONG HULI TAYONG MAGKITA
ni Wena Festin
Inangkin ko na
Ang mga mata mong maningning
Ang mga ngiti mong mangipin
Ang buhok mong magaspang
Ang yakap mong mainit
Hindi mo alam
Inuwi na kita nang gabing iyon
At hindi na mahimbing ang aking mga tulog
Maalinsangan na ang mga madaling araw
At sa kalagitnaan ng mga trabaho
Gusto kong umuwi
Upang bawiin ang nawawalang tulog
Ngunit naroon ka nga pala
At aabalahin lang ako
Kung maibabalik lang sana kita
Kasama ang hiniram na pangarap
Ngunit paano ba buburahin sa katawan
Ang huli nating pagkikita?
Pebrero 2, 2014
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento