ni Jorge Luis Borges
aking salin
Nagkatagpo sina Kain at Abel makalipas ang kamatayan ni Abel. Naglalakad sila sa disyerto, at nakilala nila ang isa't isa sa malayo pa lamang dahil kapwa silang matatangkad na lalaki. Umupo sa lupa ang magkapatid, nagpaningas ng apoy, at kumain. Tahimik sila sa kanilang pagkakaupo, gaya ng pag-upo ng mga taong hapo habang nagtatakip-silim. Sa alapaap ay kumikislap ang isang bituin, kahit hindi pa ito napapangalanan. Sa liwanag ng apoy, nakita ni Kain ang pagkakakintal sa noo ni Abel ng tanda ng bato, at kanyang nahulog ang tinapay na muntik nang isubo at humingi ng tawad sa kanyang kapatid.
"Ikaw ba ang pumatay sa akin, o ako ba ang pumatay sa iyo?" Tugon ni Abel. "Hindi ko na maalala; narito naman tayo at magkasama, gaya ng dati."
"Ngayon, alam kong napatawad mo na akong talaga," sabi ni Kain, "dahil ang paglimot ay pagpapatawad. Ako rin, susubukan ko ring makalimot."
"Oo," mabagal na wika ni Abel. "Hangga't nananatili ang pagsisisi, nananatili ang pagkakasala."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento