Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Ago 26, 2014
Panganay
Ginising niya ako para tabihan siya ("kami ni Chim") sa pagtulog. Kinse minutos ito bago ang nakatakda sa aking alarm. Wala na pala silang katabi dahil inihatid na ng kanyang ninang at lola ang lolo sa trabaho nito sa Rizal. Sabi ko, teka lang ha, at ginising ko ang kanyang ina para tabihan siya. Tinapos ko ang ilang ehersisyong sasagutan ng mga estudyante mamaya tungkol sa mga kuwento nina Borges at Bautista. Malikhain ang ikalawang bahagi ng sesyon, bagay na hindi maiiwasan sapagkat iyon mismo ang kurso. "Patience is a virtue." "Bakit naglalaro na naman kayo ng laway? Gusto nyo paglaki nyo magi kayong kamel?" Kalahati siyang tulog, kalahating gising, at katabi na niya ang kanyang ina. Malamig ang dampi sa kanyang pisngi ng madaling araw. "Happy birthday, Elishamelt."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento