Set 16, 2014

Mula sa “Tugon sa Lubos na Kapita-pitagang Sor Filotea”

ni Sor Juana Inés de la Cruz
aking salin


Kataka-taka bang naantala ako gayong nasalubong ng aking aanga-angang panulat sa kauna-unahang hakbang ang dalawang imposibleng tungkulin na nakaumang upang tisurin ito? Una (at pinakamahalaga sa akin) ang imposibilidad na malaman kung paano tumugon sa iyong liham na napakatalino, napakalisto, napakabanal, at sadyang mapagmahal. Kapag isinaalang-alang ko ang tugon ng anghel ng mga paaralan, si Sto. Tomás de Aquino, nang tanungin ito kung bakit tahimik sa tabi ng kanyang guro, si Alberto Magno, na dahil wala raw itong masasabing karapat-dapat sa kanya, batid kong mas may dahilan akong manahimik, hindi gaya ng santo, bunga ng kababaang-loob, kundi dahil sa katunaya’y wala akong alam na karapat-dapat sa iyo.

Walang komento: