Okt 30, 2014

Kinsenas

Bigyan mo ako ng maliligaw sa estruktura,
bulong ng daigdig sa Maynila.

Kumusta ang mga bata?

Nakakandado ang tarangkahan sa ating pagitan
ngunit may lumalangitngit.

Husto na sila sa kandila kung saan ka tutungo.
Kumakatok ang suwero sa pinto kung saan ako kakatok.

Maghuhulog ako sa katapusan.