Mar 29, 2016

Dalawang pangungusap mula sa “Ang Katahimikan ng mga Sirena”

ni Franz Kafka
aking salin


Kung tutuusi’y may mas nakamamatay pang sandata ang mga Sirena maliban sa kanilang awit, at iyon ay ang kanilang katahimikan. At kahit sa totoo lang ay hindi pa naman ito nagaganap, maaari pa ring isipin na may kung sinong nakuhang makatakas mula sa kanilang pag-awit; bagay na tiyak hindi mangyayari pagdating sa kanilang katahimikan.


Walang komento: