Mar 27, 2016

Takot

ni Raymond Carver
aking salin


Takot sa kotse ng pulis na pumaparada sa tapat.
Takot sa pagtulog ng mahimbing sa gabi.
Takot sa kawalan ng tulog.
Takot sa paggising ng nakaraan.
Takot sa paglipad ng kasalukuyan.
Takot sa teleponong kumikiriring sa kalagitnaan ng gabi.
Takot sa mga bagyo.
Takot sa tagalinis na may bahid sa kanyang pisngi!
Takot sa mga asong hindi naman daw nangangagat.
Takot sa pangamba!
Takot sa pagkilala ng katawan ng patay na kaibigan.
Takot sa kawalan ng pera.
Takot sa pagkakaroon ng sobra, wala mang maniwala sa takot na ito.
Takot sa mga sikolohikal na pagsasalarawan.
Takot sa pagiging huli at takot dumating nang wala pang ibang tao.
Takot sa sulat-kamay ng aking mga anak sa mga sobre.
Takot na mamatay sila bago ako, at sisisihin ko ang aking sarili.
Takot sa buhay kasama ng aking ina sa kanyang katandaan, at sa aking katandaan.
Takot sa pagkabalisa.
Takot na hindi masaya ang huling hirit ng araw na ito.
Takot na gumising nang wala ka na.
Takot na hindi nagmahal at takot na hindi nagmahal nang lubos.
Takot na kung ano’ng mahal ko’y makasasama sa mga minamahal sa buhay.
Takot sa kamatayan.
Takot sa masyadong mahabang buhay.
Takot sa kamatayan.
Nasabi ko na ‘yun.

Walang komento: