ni Jane Hirshfield
aking salin
Ang mga kadahilanan ng puso,
kung malinaw na mapagmamasdan,
dinadala
maging ng pinakamatigas
ang mga bakas ng latigo at lungkot
at kailangang patawarin,
tulad ng pagpapatawad
ng elandong ginutom ng hulaw
sa leon na ginutom ng hulaw,
na kinuha siya sa wakas,
at kusa siyang pumasok
sa buhay na hindi matanggihan,
na leon, na napakain,
at hindi na nakaaalala sa kaniya.
Kakaunti ang mga butil ng ligaya
na itinatapat sa kalakhan ng dilim
ngunit balanse pa rin ang timbangan.
Hinihingi lamang ng daigdig
ang taglay nating lakas at ibinibigay natin.
At humihingi pa ito, at ibinibigay natin.
Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Abr 2, 2021
Ang Pagtutuos
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento