Ipinapakita ang mga post na may etiketa na sales. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na sales. Ipakita ang lahat ng mga post

May 1, 2025

POETIKANG TAGNI-TAGNI

Ikaw ay isang ubas na binayaang kumulubot
Ikaw, kailangan mong maghilom
sa ilalim ng baliw na buwan

madulas na lunggating tinataludtod, tinitilad-tilad
for the darkness and feel
the hollowed-out bodies lined up in the morgue like animals

In a Station Hidden From the Metro
nakahambalang na't naghihintay sa pintuan
ang mga braso ng sasamba

Sa kaliwa, humihiwa ang tila sibat na liwanag
mula sa sanga. Noon lamang lumiwanag sa
ilang taong pinupog ng pagpapala

__________________________
mula sa mga linya nina Steven Claude Tubo, Redwin Dob, Dimple Famajilan, Harold Fiesta, Maryo Domingo, CJ Peradilla, Birth Guzman, Jennylyn De Ocampo Asendido, Aris Remollino, Glen Sales, Ron Atilano, at Pinky Aguinaldo

Abr 24, 2025

CORDILLERA CENTO

before tongues learned
Before harvest past the artery
ng pumanaw, inaanod sa ilog ng ulop at hamog

Sa aming silid. Naging patakaran ang pagsunod. Nilapag niya
Kaya hindi tayo nag-iigib ng tubig upang malunasan

ang lahat ng dapat hindi inisip
sa pamumulaklak ng lalaking papaya

kapag magkasama tayong sumagwan sa Chico River

Abr 17, 2025

CENTO CUARESMA

 Totoong matibay pa rin ang pananalig ng ibon sa Diyos, ngunit ngayon
 Gusto ko nang magpatangay sa halubigat 
 upang lamunin ng iyong sinag
 ang apelyido, unang pangalan at gitna 

 Totoo palang dapat ay nag-aalay ng itlog 
 guya, asno. Sinunog at pinatag ang mga bulebard 
 Mabagal ang galaw ng mga ulap 

Walang bagting sa simboryo kundi ahas na nakalambitin 
 At nagsasatinik silang nasa katawan
maging sa binti, ang guwang sa bungo

 __________________________ 

Abr 8, 2025

CENTO NG BUWAN

Ang magpaypay ng mahinang baga, 
ikinukubli ng ulan 
sa kawad ng koryente, 

 ang mga pingga’y nakabalandra 
basta maniwala na lang 
let the salt coat your tongue 

ti lubongna idi nagkupas. 
Pagpapakilala sa nakatalikod, namamaalam 

Namawis ang aking ilong sa hiya 
nilang mga walang karamay 

Titig na titig rin ang aking anak 

__________________________ 

CENTO NG SAKRIPISYO

Bago mo pa ipamalas ang iyong kabutihan 
ipakita ang tatag. Isang amang hindi lumuluha 
pinagpapagkit-pagkit ang tinahing pakpak 

para mag-ukay ng dumi gamit ang tabo 
tumimo ang ligaya’t panghing niyakap ang PT 
in secret, dirt fresh on your boots 

into the psalms of the afternoon sunrays 
Nakapinta rito gamit ang dugo 
sa malayo’y may isa pang anak na hindi sasali 

walang-hanggang 
Pakpak ng mga Zero sa himpapawid 

__________________________