Set 2, 2012

Sa Anino ng mga Makata



—salamat sa pagtangkilik paminsan-minsan! hope the weather did you some good



—kaya ko rin lang tina-translate kasi gusto kong maintindihan yung orig. halimbawa itong si ted hughes, ikukwento ko bukas siya sa klase. yung asawa niya, makata rin (si sylvia plath). iniwan niya ito gayong may 2 siyang anak rito. hindi nagtagal, nagpakamatay si plath. yung pangalawa niyang 'asawa' nagpakamatay rin at—sa kasamaang palad—isinama pa ang kanilang anak na sanggol. itong si hughes na lamang ang natitira rito, siya ang uwak, tapos yung mga balahibo ay ang mga trahedya't kasalanan niya sa buhay



—minsan nga hindi ko alam kung ano ang mas gusto kong intindihin, yung buhay ng makata o yung tula. kung may kahit ano kang nais ipapaliwanag, itanong mo lang ha. makakatulong rin ito sa akin, kasi nga trabaho ko ito e



—nakakahiya mang aminin: kaya ko rin iniiwan-iwan itong blog dati ay dahil ________________________. hindi ko na kayang maging spontaneous katulad nang dati, nung kasisimula pa lang. conscious, vulnerable. at least pag nagsasalin ako ________________________ sa anino ng mga makata





—yey look forward to your Qs! magandang gabi/umaga na sa inyo dyan.