panahon na naman ng checking
ng mefenamic kape ng
minatamis na kamatis
ng sandag-
sang salita
may tatay sa hardin
may asawa sa mga kumukulong tsupon
mga punit na baraha ngunit
pinakamaselan ang gradesheet sa kabuuan
ng bahay
miss ko na si betel-jol si elisher si
eugenio ang kalbo ang bakal ng linguistics
ang aming sir si besa
ang malayong pamantasan kung saan
kung kailan
mas mahusay silang tumawa
sa akin kung naging estudyante ko sila
walang papasa maliban kay nate
na nagkatawang-uno at kagyat
malamang pagka-class-
card ibabaon sa limot isa pang mahirap
ngayon ang magpaka-socially relevant
pag ganitong puros papel at
wala man lang bagyo bagamat
may sundalong sumisipol kung saan may
tikatik ng dali-daliring kahera paminsan-minsa'y langitngit
ng lingid na besagra sa
bapor ng tsina
ang madali ay magpataba sa kropek
mangalay ang mata manlabo ang likod
masigawan ang panganay
tiklupin ang kumot na nagkukunwaring tent
almusalin ang mga plagiarist
masiraan ng tiyan ng radiator ng bait bakit
ang guro't estudyante'y dal'wang kal'hati ng
iisang pagpapatiwakal Y/N explain madali
masyadong mapagkapamalang insekto ang mga
pisat na numero magbilang palaktaw at
handogan ng +2
ang estudyanteng socially relevant
( a ) dahil may baka sakaling
+1 ( b ) dahil inspirasyon si sionil sa
ngayon hanggang makalagpas
nang konti sa mas malaking eid
( c ) dahil mabubuti silang bata so
walang karapatan si rizal kahapon na
hanapan sila ng hinaharap ikaw
itong inalok itakas sa dapitan tapos
umayaw ( d ) dahil nagpapakasimbolo
( e ) AOTA
( f ) NOTA
strrawbberrry
shake shake
shake dalubhassa shake
shake matulog! kayo! o
magpatulog! kayo! regalo
ang may sahod pag lagpas
kalahati ang sabon walang anumang tagas sa
kabila ng di maikukubling mantsa
sa mga di maitapon-tapong kolyar
lalo't may nagpabulanghit ng tawa
may nahugasan ng puwet may
narating na pagkapantay sa pagmamalupit
at sa gayo'y hindi na labis
maiinggit ang isa sa isa
may asawa sa liham sa aklat sa gitna
ng birds of paradise may tatay katapat ng
mantis sa malalapad na bughaw
na bato itong mesa ang panahong
mahirap makaiskor ng basahan ma-
hirap painumin ang apoy lubhang napaka-
daling tumula-tula
534 na papel ang biyaya
dalawang bulilit
walang sayaw
tatlong fetal
position equals (makata) function
key magmarunong cubed