Makulay at balani ang mga letra
sa kaha de lamig.
Dalawang kamay ang inaasahan,
dalawang regalo.
"Ang mga mata," sabi mo, "pakipikit."
Huwag ka sanang magugulat
kung nag-iisa ang kamao.
Namimili lamang tayo sa espasyo o sigasig.
Nasa likod ang isa pang kamay,
baka sakaling may hawak, nakatago.
Alam na nating walang lobong pumutok,
walang amoy ng paboreal, walang pintig.
"Heto na ang ipinangako."
Binabahayan ng kislap
ang mga matang nakapinid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento