Etched on the moth's wings
the story of a man's life
powder to the touch
H— The thing about haiku, malakas yung hatak nya na magmeta agad-agad kasi somehow may compartments na kine-create yung 5 7 5—isang fleeting na imahe/idea (5), isang parang pantukoy na phrase (7), isa ulet fleeting na imahe/idea(5). Ang effect nya yung parang dun sa toy na ginagamit to view microfilm cards. (Nakalimutan ko tawag.) Pag click/flash mo minsan nung maganit na button, makikita mo yung border sa transition to the next slide/card. Same effect pag old film tas may scratch yung reel. Ganun ang dating ng haiku sa akin. Kadalasan ay yung relations ng mga imahe o ideya ang focus pero pag sa haiku, interesting tingnan yung transitions from one image to another na sa kabuuan parang isang moving image lang: "moth's wings" to *insert a fraction of a nanosecond thought* to "powder".
D— view-master? gusto ko yung implied 3-way movement ng pag-iisip. o kahit ng mata lang, dahil minimal ang processing ng isip. pero dito sa haiku ni NC, mukhang bumutog nang husto sa gitna. biglang story-of-a-man's-life wow. meta-haiku talaga, na hinahanapan (o iniimprentahan) ng buhay ang isang napakaigsi at panandaliang imahe
T— kung image at image din lang, yung obyus meta, hugis pakpak pa yung kinginang haiku na siyang nagcocontain ng kwento ng buhay ng tao. tas magandang panapos, i think, yung "powder to the touch" kasi kung hindi man yari sa maliliit na particles or dots yung mismong text kung asa paper, yari naman sa bytes, o anumang "powder-y" substance kung digital.
D— ngayong pinadapo mo yung mata ko sa 'powder' parang mas nagiging outcome/byproduct ito nung 'etched', na parang detritus ng paglikha (o paulit-ulit na muling paglikha) ng isang buhay. hindi ko tuloy matanggal sa isip na hindi lamang buhay kundi pagsusulat ng buhay ang tinutumbok dito. pero ano ang detritus? yung buhay o yung account? tas hindi ko rin malimutan yung sabi-sabi (na mukhang hindi totoo) na nakabubulag ang powder/scales sa pakpak ng moth/butterfly. ang angas/simetrikal lang masyado na yung kinagigiliwan mong tignan ang babawi ng kakayahang tumitig
H— Interesting yung paulit-ulit na muling paglikha at pagiging panandalian ng changes na nangyayari. Kung iso-slow mo, nagiging byproduct nga ang man's life o story of a man's life pero it appears na hindi siya isang katapusan in terms of plot man o tangka. Hindi ko maiwasang tingnan na bukod sa simetrikal, in motion ang story habang ito ay nililikha. Tuloy, hindi nga lang paglikha kundi patuloy na paglikha. At kung iisipin, tulad ng iba pang particles and waves sa kalawakan (at maging sa digital na kalawakan), wala talagang nawawasak o nalilikha, kundi, ang lahat ay patuloy na nagpapanibagong hubog lang. Ang "powder" ay kasing-buo lamang ng "wing" imbis na dinikdik na version nito. Such is a man's life.
D— ang "powder" ay kasing-buo lamang ng "wing" imbis na yung dinikdik na version nito. Maaari din kayang ang "byte-sized" life ay sing-buo ng buhay na pinaghugutan nito?
T— hm... parang napaka-oroborus na naman nito, ano? ang instant reference ko na naman ay Tool: life feeds on life feeds on life... "ang angas/simetrikal lang masyado na yung kinagigiliwan mong tignan ang babawi ng kakayahang tumitig" > > > parang apoy sa gamugamo? inaakit sila nang apoy pero pag nagkaron ng kontak, abo. abo, powder, kapwa bakas na may prosesong naganap. pero sa kabila ng bakas o bantang ito, mauulit at mauulit pa rin ang proseso ng pagbuo at pagwasak. thus, transpormasyon lang ang lahat? quits quits lang, at the end op da day?
D— alternatively, Taittreya Upanishad: "I am this world and I consume this world." ayun, baka nga quits, law of conservation of matter and energy or, in this case: of life and inscription. na siguro hindi naman pilit sa kaso ng tulang ito lalo kung iisa (o kunektado) ang tao sa "story of a man's life" at ang may-kamay na implied sa "powder to the touch"
T— also, baka isa ring discussion point ay paggamit ng articles. bakit "the" sa moth at story, pero "a" lang sa man. napansin ko ito nang problemahin kung in flight ba ang moth, nakatengga, patay, o buhay. pero, dahil "powder to touch," i assume na nakatengga lang, pero mukang walang clue kung buhay ito o patay ang THE moth. kung anu't anuman, mas mahalaga at mas natatangi ang moth at story kaysa sa man, na pwedeng kung sino na lang.
D— mas tukoy ang moth, totoo. but the last stanza seems to me attributable to either or to both. malamang, sa pareho. pabor din sa moth kung pagbabatayan natin ang tradisyunal na jacob's ladder, tao ay mas mataas sa insekto, mas mahalaga, mas natatangi. kaya hindi lang lumiliit kundi 'minamaliit' ang kwento buhay ng tao (na hindi man lang ikinuwento, naging katangian lang halos ng moth! symbol or symbolized, but that seems to be it) sa paglapat nito sa pakpak ng moth. ngunit may tradisyon sa panitikan kung saan hinahanapan ng estruktura ng kosmos ang mga padron sa balat ng hayop (hal: ang mga tigre ni borges). as above, so below. at kung ito ang lenteng gagamitin, hindi sa minamaliit ang tao, nagkataong sadyang kay liit lamang ng lahat, moth, tao, mga sibilisasyon, kung ikukumpara sa bigat/buhay ng sandaigdigan. pulbos lang talaga e
H— Sa paggamit ng article—nagiging stronger yung imahe pag particular tulad nga kumbakit mas madali kong nasabi na fleeting na imahe yung una at huling linya, at yung "man's life" ay lumabas na parang thought/idea lang na dumaan o ginamit na tulay o panabla. Pero kung babasahin independently hindi dahil insignificant ang statement na ito kundi dahil pa nga epic ito at sa haiku, tila may turning tables na nagaganap. "The story" of any man is epic pero kahit may ganung pagpapahalaga sa isang mabigat na pahayag, tila minamaliit ito sa haiku at tinutulak tayong mas pag-usapan yung mga panandalian at insignificant pero mas real to the flesh (the touch) na imahe. Ang silbi tuloy nung "story of a man's life" ay contrast na nagpapatibay lalo sa imahe ng moth's wing sa pamamagitan ng pag-aanimate dito, kumbaga, "etched on the moth's wing" ay tangible pero nang dugsungan ng "story", nagkaroon ng karakter. At ginabayan din towards the next line na, "powder to the touch," kung saan na-prompt tayo na makitang may buhay na transformation o proseso na nagaganap sa tula imbis na magkahiwalay na fleeting na imahe lamang. Lalo kung fragmented, kay liit nga lamang ng lahat at expected yon na pananaw ng tao sa mga bagay sa paligid niya. Maliban sa sarili nya. At parang yun ang sampal ng haiku sa atin. Kahit pa gaano ka-epic ang story o search for meaning ng tao, insignificant ka pa rin. Hehe
D— mas abstrakto nga yung gitna (story) kesa sa una (etched) at huling linya (touch). tindi ng epekto. parang pinalipad ka nang onti tas, ops, baba uli. grounded talaga. may isa pang legend-legend na kapag nahawakan mo na ang mariposa (i suppose, moths will do as well) hindi na ito makalilipad. na hindi naman totoo kung hindi mo naman pipisilin nang todo. pero nais kong isiping may pinag-uugatan ito (at simetrikal din tulad ng tanong kung mabubulag ba sa tayo sa pulbos sa pakpak), na pakiramdam nati'y bigla at ganap ang paglipat ng "bigat" ng tao sa gaang ng paru-paro, at kung gayo'y matindi ang singil ng kahit panandaliang kontak sa isang masyadong maganda at manipis na nilalang
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento