na minamarkahan natin
kinapos ng pantig ang paru-paro
naatasan akong magsalita
kung pumipitik-pitik pa sana
ang iyong hininga kahit
kuwadrado ang bulaklak sa semento
kahit halukipkip sa usok
ang mga ponsetya
ang insekto sa ponsetya kasi. Dito
dito tayo magtitibag
heto ang buslo—nasaan ba ang mga
gamit? Hinahanap pa ho. Naghahanap ng
letra, yung pinakintab
tayong naatasan sa pagitan ng kung
at kahit; sa dibdib
nagbabaga ang mga sana. Sana
simulan ang pagtibag!
At may ipauubaya tayo sa butas
sa pagitan ng kung at bakit
ang pantig ng paru-paro, sa okasyong ito.
Kinakapos tayo ng, kasi. Kinakapos tayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento