Ipinapakita ang mga post na may etiketa na formaldehyde majors. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na formaldehyde majors. Ipakita ang lahat ng mga post

May 31, 2025

Edad GE

Narito ang aking ambag sa oryentasyon sa aming mga freshmen noong ika-29 ng Agosto, 2022. Maaaring napapanahon ang ilang sipi, ngayong nagpanukala ang DepEd sa CHED na bawasan pa ng tatlong kurso—art appreciation, the contemporary world, at ethics—ang General Education program ng bansa.

· 

Magandang tanghali sa atin, lalo’t siyempre sa ating mga bagong estudyante, sa mga freshies. Mga 19 anyos ngayon kayo karamihan, pero may ilang 18 din at 20. Ako nama’y 43, ngunit ang tanong na nais nating balikan ay “Gaano tayo katanda ayon sa GE?” O ang isa pang bersyon nito “How old does GE want you to be?”

Before that, we define General Education as “a suite of courses that all undergraduate students, regardless of their major, must complete.” We hold it in common with the whole UP system, a true touchstone, hence our Tatak UP. GE prepares students for major courses. The slide says it “augments and rounds out the specialized knowledge that the students receive in their majors.” Kaya mainam mang makarami ng GE sa umpisa ng inyong buhay sa UP, mabuti ring kasangkap ang ilan nito sa mga junior or senior semesters ninyo. Layon nitong kausapin ang inyong mga kursong major, isakonteksto sila sa uniberso ng kaalaman, sa mas malawak at patuloy na aktibidad ng pag-alam. Sa ganitong paraan, nais kayong buksan ng GE sa maraming punto de bista, payamanin nang husto ang inyong paglalagi dito sa pamantasan.

Kasalo ninyo sa anim na GE ang buong UP Los Baños:

ARTS 1. Critical Perspectives in the Arts
COMM 10. Critical Perspectives in Communication 
ETHICS 1. Ethics and Moral Reasoning in Everyday Life 
HIST 1/KAS 1. Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas 
STS 1. Science, Technology, and Society 
PI 10. The Life and Works of José Rizal

Makapipili rin kayo ng karagdagang tatlo mula sa labing-isang GE:

HUM 3. Reading Film, TV, and the Internet 
KAS 4. Ang Kababaihan sa Kasaysayan ng Pilipinas 
MATH 10. Mathematics, Culture, and Society 
PHILARTS 1. Philippine Arts and Culture 
PHLO 1. Understanding Philosophy 
PS 21. Wika, Panitikan, at Kultura sa Ilalim ng Batas Militar sa Pilipinas 
SAS 1. Self and Society 
SCIENCE 10. Probing the Physical World 
SCIENCE 11. Living Systems: Concepts and Dynamics 
SOSC 3. Exploring Gender and Sexuality WIKA 1. Wika, Kultura, at Lipunan

Ngayon natin balikan ang tanong, “Ano ang hinihiling sa ating edad ng GE?” Matandang usapin na ang kasarian at sekswalidad ng SOSC 3, pero hindi ba may mga pag-unlad dito na ngayon lang naitatala nang maayos-ayos, sa inyong henerasyon, mga identidad na ngayon lang naisasatinig nang bawas ang garalgal, buong tapang at pagmamalaki? Hinggil din sa bago ang kursong gaya ng HUM 3, na kung tutuusi’y tatlong panahon din, ang pelikula ng lolo’t lola, telebisyon ng ama’t ina, at ang internet na inyong-inyo, mga kabataan. At may PS 21 na nais tayong ibalik sa mga kahindik-hindik na ganap ng 50 taong nakalipas! Nais kayong maging 50 years old ng GE, at higit pa kung kasaysayan ng kababaihan sa Pilipinas!

Kinuha ko ang PHLO 1 sa UP Diliman kay Prop. Nap Mabaquiao, mga 25 taon na ring nakaraan. Hindi ko makalilimutan ang unang pahina ng pinabasa niyang aklat, ang Sophie’s World ni Jostein Gaarder. Doon ko nakilala si Goethe na gaya rin ni Rizal para sa akin, isang GE embodiment o taong GE: nobelista, siyentipiko, pulitikong tao. Ayon sa salita ni Goethe, mga 200 taong nakalipas, doon sa hawak kong aklat: “He who cannot draw on three thousand years is living from hand to mouth.”

“Siyang hindi nakikinabang mula sa tatlong libong taon ay nabubuhay nang isang kahig, isang tuka.” Parang magic sa akin ang mga salitang iyon, biglang hiniling sa akin na tumanda nang husto, balikan ang lahat ng yamang ipinundar ng mga kagaya kong tao sa loob ng libo-libong taon! Sa dakong matematika, halimbawa, kay tatanda na ng mga sistema ngunit alin ang pinakabata sa mga pangunahing numero? Ang zero na mga 1,500 taong gulang lamang! Bago noo’y hindi natin matanggap na kailangan/maaaring markahan ang wala—at gagamitin ito! Kung wala ang wala, kung hindi tayo tumawid mula Roman numerals tungo sa Hindu-Arabic, wala tayo ng kasalukuyang teknolohiya, wala lahat ng ating mga computer, mga gadget at apps na tila nilampasan na ang mga aklat sa pagkunekta sa higit pang tao at higit pang kaalaman.

Ngunit konserbatibo pa pala ang 3,000 taon ni Goethe, lalo kung mapapadpad tayo sa ilang unang ebidensya ng sining sa mga kuweba sa Espanya at Pransya, at ang natuklasan nitong 2021 lamang, sa kalapit-bahay natin, sa Sulawesi ng Indonesia, na hinihigop tayo tungo sa 44,000 na taong nakalipas, sa mga pigura ng hayop sa kuweba, mga hand stencil gaya ng pamba-vandal natin sa mga pader ng ating kabataan. Ngunit ang homo sapiens ay 200,000 taon na ayon sa ebidensya. Itong katawan natin, itong ganitong DNA, mahigit kumulang, ay nag-uumikot na sa daigdig nang ganoong katagal—ngunit hindi agad nagka-sining? Ano kaya ang “self” o “society” ng ating kanunununuan? Iyon ba ang isang kahig, isang tuka? Taong walang kasaysayan, walang matematika, walang siyensya—ngunit paparoon na rin siya ano? May kung ano na sa kaniyang panaginip. May namumuo. May uusbong patungo sa atin, kung nasaan tayo ngayon, dito, kung saan pinag-uusapan natin sila, sila na tayo rin. Dito sa kaparehas na daigdig na 4.6 bilyong taon na ang tanda.

Our activities in the laboratory, in the clinic, onstage, and onscreen, our daily walk to school, our ride home, all these should draw from fifty years of reclaiming democracy, 44,000 years of culture, 200,000 years of biological existence, and 4.6 billion years of physical possibility. Our now, though hopeful, is precarious. Forces at this very moment seek to separate us from our greater context, our shared humanity. Those who want your future will rob you of your past. Magpapakamusmos tayong lahat kung wala ang mga liksyon ng ating GE. Mauuwi tayo sa ngayon at sa ngayon lamang, isang ngayong walang balor o saysay: isang kahig, isang tuka.

Salamat freshies sa inyong presensya, sa ating pagkikita, at sa inyong walang kamatayang karunungan.

Okt 27, 2024

Randy

Bukod dito, hay. Ang aming si Randy.

Kasa-kasama na siya simula pa lang noong freshie ako. Upper class. Laging may baong joke si Randy. Katulad ng karamihan sa amin sa kiosk, pinagbawalan din siyang tumuon sa owner at baka “magasgasan ang trapal.” Laging naniningkit ‘yan kapag nagpapatawa, parang bahala ka kung hindi ka tatawa basta siya, papatol at papatol sa sariling versions ng Boy Bastos. May printout pa ‘yan ng mga jokes—na minsang pinasilip sa akin.


Miss ko na siya. Miss ko na kayo. (Jekoy, ikaw din.) Condolences to the wife and son who survived him, his family, the close and lucky friends.

Set 28, 2024

The Reading Nook × Garahe Press

Nakapunta sa unang anibersaryo ng The Reading Nook nitong nakaraang linggo. Dalawang beses pa nga, kaya nadala ang buong pamilya sa pagitan ng mga hatid-sundo (bukod kay Damian, sorry). Narito ang ilan sa naiuwi mula sa unang bisita: 

May ginuguhit si Maria sa tabi niyan, sa guestbook (dilaw na dilaw, kung may pagkakataong silipin). Kasalukuyang hawak ni Elisha ang libro ni Maxine, dati kong estudyante na nakahanap ng mabungang paraan upang ipagsama-sama ang kanyang mga interes sa iisang lugar. Masaya rin akong makita sina R— at P— na nagtatrabaho roon, mga dati ring estudyante (prepandemic at pandemic ARTS 1).  

Kinabukasan, kami naman nina Noam at Pink. Saglit ngunit mahalaga ang muling pagsasalubong namin ng advisee kong si E—. Nag-uwi ako ng apat na zine mula sa Garahe Press pero hindi ko mahanap ang kay X (narito lang ‘yun, kung saan). Nasa dalawang zine na ito ang mga tula ni E— kasama ang mga salita, dibuho, at litrato nina Justin Firmalo, rzg, jevi, at Ash:


Isa sa marami kong paborito ang “Home Remedies” ni E— sa inhabit (2023). Labing-isang segment na pinagbibidahan ng isang kasapi ng mag-anak: father sa unang segment at mother sa ikalawa, habang nasa kabilang dulo, sister sa ikasampu at brother sa huli. May mga piraso ng kuwento na hindi mabuo-buo dahil mas mga sintomas lang ang isinisiwalat. Tipong kuwento, oo, pero sa paraan ng photo album noong araw, noong hard copy pa ito. Sa isang banda, kabaligtaran din ito ng album dahil narito ang mga karaniwang hindi nilalantad, hindi pinapanatiling mga alaala at sentimiyento. 

Kakaiba ang ikalimang segment dahil wala itong tao:

—Flood. Books hang on a makeshift clothesline. Inside the only shelf, medals glint against the glass. Pages start to curl inward as hideously as they dry.

May-akda naman ng a study on spaces (2023) si Lian, dati ko ring estudyante. Sayang at hindi kami nagkita, pero masaya akong malaman na buhay na buhay (at patuloy na malikhain) ang pagkakaibigan nila bilang Garahe Press. 

Maliban dito sa pabalat, may walong litrato ang zine. Mga espasyo rin ang pito sa kanila: mga posteng halos lamunin ng baging, mga nakasisilaw na bubong, ang ibabang kalahati ng pinto. May nag-iisang litratong may tao, at tinatakpan ng bata ang kanyang mukha. May walong pasulat na piyesa at tula ang karamihan. May dalawang kuwento na sa pakiwari ko’y sampayan ng mga litrato at tula: ang ikalawang piyesa na “Abuso ang Haligi ng Pagkababae” at ang ikaanim na “The Best Thing I Did This Year Was Get an Implant.” 

Mahalaga ang pambungad na tulang “displaced” bilang unang piyesa dahil narito ang set-up nitong buhay (at zine) bilang lagalag. Bubuksan ito ng linyang “every year since birth, I move from place to place” at gagalaw tayo tungo sa banda gitna kung saan— 

nothing changed when I graduated and had a partner and got a job 
and changed partners and changed jobs
what is it about spaces that can’t stand me,

·

Naglatag ang Garahe Press sa BLTX at iba pang kahalintulad na ganap. Kasama sila bukas sa Silang Album Release Gig. 

Ago 2, 2024

Minsan ka ring nangarap para sa lugar na ito

Kahit pumalya ang orasan, sakto ‘yan
 dalawang beses sa isang araw. 

  “Ano ‘yun? Tsamba.” 
 Sige, pero hindi mo maikakala: 

 may mga taong nagmamadaling magligpit. 
May mga taong kulang na lang ay magtirik pa ng kandila. 

Ikaw? Okey, kukuha ka lang ng ilang litrato. 
May susulpot na alaala sa kurdon, lapis, 

 masetera, o hibla ng buhok na iuuwi
 o itatapon. Hindi magmumula sa amin 

 ang makapagpapabagal o makapagpapabilis 
sa iyong huling pagkakalas. 

            ·

   Ngiti at kibit-balikat 
 ang iyong sagot sa “saan ka?” 

Ika’y kikilos, at kikilos din ang araw. 
Sa iyong pag-alis, kamay ng orasan sa aspalto

 ang iyong anino. Tsamba ang saglit
 kung kailan natutukoy nito—

                         kay lamlam na guhit 

 —ang eksakto mong patutunguhan.

Hul 8, 2024

Fossil as replica, not bone

5
1
3 and 4 only 
CHUM  (future/tense)
All of the above
1
Yes
Yes
All of the above
Hypoallergenic, kid-friendly, open
2
Diliman-centric, hypocritical thinking, beholden
2
To bastardize NVM Gonzales and Resil Mojares, did we dream of aesthetic independence only to become peons and sharecroppers of QC’s intellect and style? 
Inventive; driven; deserving of more, much more
Honest, and unafraid of labels
5
Elitism; a view of LB as source of cultural capital, audience, fillers of seats; a view of space as opportunity to install unsafe teachers/artists
Printmaking workshop, poetry workshop
Protection, probity, wisdom, true resolve against nepotism and laziness
?

Set 26, 2023

Naturingang bayan ni Rizal

—

—May mga manunulat. May mga grupo. Si Rizal nagkagrupo, oo, pero hindi umabot hanggang sa huling hantungan. Hindi ko ma-gets ang iyong punto.

—

—Hello ulit. Ano ang kakanyahan ng Cavite group na nais nating makita sa Laguna? If it’s place-name, then maybe it can be set up and SEC-registered. Is it acknowledgement from the LGU? Walang ganitong imprimatur sa Laguna (may ganoon ba sa Cavite sa iyong pagkakaalam? sa Angono?) Hal., sa Uplb may Uplb writers club pero wala itong official patronage. Not in the sense of the school’s basketball team. Ganoon ba ang Cavite Writers mula sa Cavite LGU? Or naunahan lang nila ang ibang orgs sa pangalan? Kasi maaari kang magtatag ng place-named guild, if that’s what you’re looking for: isang org na nagdedicate ng sarili sa Laguna. Pero ingat din, kasi kung may ganyang item sa preamble ng ibang orgs, it won’t matter kung ano ang pangalan niyan, bahagi ang Laguna ng sense of purpose niyan. In which case, I won’t stand for them to be invalidated, Rizal thrown at them just like that, porke walang Laguna sa pangalan.

—

—Oks. Glad you want to be on a team. Huwag padala sa pangalan, kung maaari. Hindi porke may place-name, may interes sa pagpapayaman ng lugar na iyon. Maaari, but not necessarily. Ehemplo na riyan ang mga pulitiko. You and I can slap a place-name on anything and have it work toward other ends. Maaari pa ngang taliwas sa pangangailangan ng lugar na iyon kung saan ipinangalan. Kung mga mala-Rizal ang hinahanap mo, mayroon tayo rito, manunulat, nag-oorganisa, pinepersecute, hinaharass, nireredtag, magigiting. Kung may iba pa kaming maipaglilingkod sa iyo, ipagbigay-alam lamang.

—

—

—

—

—Hello at salamat! Dati na akong in awe sa achievements at longevity ng inyo sa Cavite. Mas lalo pang humanga rito dahil sa iyong post. Tagahanga rin ako ng mga nagawa nina Sir Gappi at mga kasama sa Angono—laging magkatabi ang Cavite at Angono bilang mga “peg,” mga best practice. Hindi ko lang siguro (pa) maituloy na huwaran bilang respeto sa kakanyahan ng orgs sa bandang amin, sa kanilang mga tunguhin at pinagdadaanan. (Maaaring limitasyon ito na kailangang pagnilayan.) Nung mga lockdown days kita huling nasumpungan sa department. Makasalubong sana ulit. Magandang gabi sa inyong dalawa.

Peb 8, 2023

SMG, LYMMACS, at labing-isang daliri

Felipa Cheng published “How to Get Your Artwork Featured in an OICA-sponsored Exhibit” in 2019. Wasn’t keen on UPLB OICA’s Sining Makiling Gallery at the time, though yes I read stories and heard tales. A year after her article, Felipa would count among my standout students. While she was in class, I submitted an exhibit proposal to OICA (Salungguhit: tula at sining with Pinky, Sir Alim, and Kevin). As I’m likely counted as someone in-circle, our exhibit won’t work as any sort of argument against Felipa. It is, however, an update. And among updates the least important, as OICA hosted two other exhibits: The UPLB Painters’ Club’s  Labing-Isang Daliri 2023 Revival and (mas interesante) LYMMAC’s Pieces: A Modern Portraiture Exhibit! last year. 

Have the students reclaimed the space? I’m not sure. 

Should students stop submitting proposals? No.

Lalong hindi ngayon kung kailan kailangang buhayin lahat ng maaaring buhaying venue. Panahon ng censorship, disinformation, at iba pang mas rektang pamamaraan ng pagpapatahimik at pambabaluktot kaya, bukod sa pagtitiyak at pagsasaayos ang ating mga mensahe, mahalagang asikasuhin ang mismong mga lagusan ng mga mensahe.

Early last semester, my COMA 190 students visited the Pieces exhibit. They even chanced upon two of their Lyceum counterparts, and we had a few minutes discussing their work and expenses. 

Before the semester ended, my students completed their visual art proposals. If I were curator, I told them, they’d all be up and running. Two of the proposals, I think are indispensable (tahimik na lang kung alin sa mga iyon). Sana may magpatuloy sa kanila ng pagsumite ng proyekto. Mailabas sana sa venue na gusto nila o nilikha mismo nila—uy, ang ACT Forum may call!—o sa Sining Makiling, kung may saysay pa rin ang pagbabaka-sakali.

Abr 30, 2021

ENG 154 CHAIN POEM


Poets:

Alie Cas
Dana Cabalza
EJ Azares
Farl Bermeo
Mat Gonzales
Sasha Liuag
Yans Dela Torre
Ysa Mangulabnan


Procedure:

1) During the first synchronous session, each writer in the class (Science and Technology in Literature) turned in two 10-syllable lines.

2) In the asynchronous classroom, Ysa, Farl, and Yans proposed three arrangements of the lines. We worked on the first submission along with the title Ysa gave it: “She’s Leaving Home”.

3) During the next synchronous session, we played Mad Libs (instructions: take a source text and put blanks in place of some words, noting the part of speech under each blank, then fill in the blanks without looking at the source text). Replacements for nouns, verbs, adjectives, etc. introduced a reformation/deformation of the lines. For example, “She’s Leaving Home” transformed into “She’s Cooking Prison” after EJ threw in a new verb and place word.

4) In the asynchronous classroom, eight of eleven participating writers gave consent to present the poem for Lit Month. Words from the silent poets were removed from “She’s Leaving Home” and its mad-libbed clone. Punctuation and minor edits put into place for “She’s Cooking Prison”.

5) Eight poets mean 50% +1 in a class of fourteen. We dismissed for the Reading/Wellness Break.

Abr 18, 2021

Pomodoro


 

Pull out a to-do list and a timer.

Set 25 minutes on a task.

At session end, inscribe what was completed.

Take 5 minutes off to stretch, drink water, extend our deepest 

“We’re praying for you.” Repeat.