Set 21, 2014

Fung-Wong



hanggang dibdib! naku hanggang sunday pa raw ito. dito naman hanging malakas, ulan, at paandap-andap ang kuryente. hangin ang problema kasi mapuno kami, madali kang tamaan. buti walang klase ang mga bata. sana matuyo agad dyan. at sana well-stocked ang ref? pasabi lang, kung may ano mang kailangan. salamat!



ok (pa) naman. kaso may mga communities dito na hindi pa nakarekober sa glenda. kung lagpas-tao na riyan, siguro may mga evac center na rin?



bundok naman halos dito. mas yung ibang bayan ang binabaha, calamba, pansol. saka yung malalapit sa laguna de bay. contrast sa forest fire kina T—



hindi ata threat ang landslide dahil may kapit ang mga puno. yung kahoy ang pwedeng problema, nakakabutas ng bahay. hindi pa naman nakakatalop ng bubong ang hangin sa ngayon. sana maraming baon ang kapatid mo. bahain nga sa mga lugar na iyan sa pagkakaalala ko. malaki ang pakinabang sa kanya ngayon, may support system naman sana sa ospital



she posted about RP and they’ve been sending their best. so far: B—, S—, A—, M—, M—, and N—. electricity up now, but bracing for worse. hope you're okay



I—, J—, and R— wishing us well too. nag-alala ako sa kapatid mo, sana nasundo na o may matutulugan. good night, stay safe



C— sends her regards also. rain’s weakening here. wish water would subside there too, soon





cleanup and repair crews everywhere, a chainsaw buzzing. glenda had us much harder than mario. current’s off again, hope it’s on there. happy you’re home







oo, salamat sa pangungumusta. patay-sindi lang kuryente, signal. kung ganito naman at wala ring gaanong ulan dyan, bababa naman na siguro ang tubig. okay na ba?



at baka raw may sunod-sunod na bagyo. kahit mahihina pa, masyadong madaling bumaha. sana umaraw na bukas. may kuryente dito sa ngayon, mga 15 mins na



thanks. will do. mukhang na-snag ng mga puno yung power lines. sana nga pala, nakapagpahinga na kayo dyan. good am

Walang komento: