Set 21, 2014

Ikalawang sipi mula sa “Tugon sa Lubos na Kapita-pitagang Sor Filotea”

ni Sor Juana Inés de la Cruz
aking salin


Ikalawang imposibilidad ang pag-alam kung paano magpapasalamat sa iyo para sa labis at di-inaasahang tulong, at iyon ang paglathala sa aking mga pagsusulat-sulat. Talagang hindi ako nararapat sa tulong na ito, lagpas ito sa pinakamapaghangad kong inaasam, sa lubos at hindi kapani-paniwalang lunggati, at bilang isang makatuwirang nilalang ay ni hindi ito sumagi sa aking isip. Sa madaling sabi, sukdulan itong mahalaga na bukod sa nababanat ang mga hangganan ng kakayahan sa pananalita, nalalagpasan din ang saklaw ng pasasalamat, at hindi lamang gawa ng laki nito kundi sapagkat sadyang hindi inaasahan, ayon nga kay Quintiliano: Minorem spei, maiorem benefacti gloriam pereunt. At sa ganito, nagiging umid ang benepisyaryo.

Walang komento: