“Bos
nakahanap ka ata ng aalilain”
hala, pagmuni-munian natin silang mga bapor
samantalang guni-guni
ano man ang iyo at muy limpio
akay-akay nila ako sa highway, sa
magdamag ng aking kabataan
upang makapag-shopping ka lamang ng baril
aba, matandang binata—semi-
Auto?—porke hindi tayo kulay traktora
kulay aspalto na agad?
Ano ito, piko sa pedestrian, flip-
pandanggo sa bubuyog? Ay mga
nilalang na nilalang, at di makuha sa tawad
tumatakbong money order, katitikan
sa dati naming kalsada
sa bawat dalawang turban, iisa ang motor
Dalawang buhol na sinturon
mga intensyong pinakintab ng trapal
“Maliban sa mga huni ng Banahaw
tumatawag mismo ang pier . . . ”
Bukod pa sa nakayakap sa balakang
ang nakadantay sa balikat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento