Set 27, 2014

Ikaapat na sipi mula sa “Tugon sa Lubos na Kapita-pitagang Sor Filotea”

ni Sor Juana Inés de la Cruz
aking salin


Winawasto niya ang iba sa tulong ng mga parusa, samantalang pinangangaralan ako sa pamamagitan ng mga pagpapala. Katangi-tanging biyaya sa akin na ganito't natatanaw ang hinding-hindi ko mabibilang na pagkakautang sa malaking saklaw ng kanyang kabutihan, ngunit lalo sa kanyang pamamaraan ng pagdala sa akin sa kahihiyan at pagkataranta. Pinakamahapdi sa kanyang mga paraan ng pagparusa ang pag-atas sa akin, kasabay ng kaalaman ko sa sarili, bilang aking sariling hukom, at sa gayo'y naiiwan ako sa pagsisi at pagsumpa sa sarili kong kawalan ng utang na loob.

Walang komento: