Okt 3, 2014

Ikalimang sipi mula sa “Tugon sa Lubos na Kapita-pitagang Sor Filotea”

ni Sor Juana Inés de la Cruz
aking salin


Inaamin kong naghanap ako ng pakanang makatutulong sana upang makaiwas sa hirap ng pagtugon sa iyo. Halos desidido na rin akong hayaan na lamang na maging sagot ang katahimikan. Ngunit negatibong bagay ang katahimikan, at bagamat marami itong naipapaliwanag sa pagbibigay-diin nito sa hindi pagpapaliwanag, kinakailangan pang ikabit dito ang maigsing etiketa upang maunawaang may ipinapahiwatig ang naturang katahimikan. Kung wala ang etiketang ito'y walang ano mang sasabihin ang katahimikan, sapagkat wastong tungkulin nito ang hindi magsalita.

Walang komento: