Mar 1, 2008

Doubleyou

Poem published at Philippine Graphic, the March 3 issue.

Peb 27, 2008

People Power Anniv Coda

Naglu-loop na naman ang kapit-bahay ng isang track. Ang lakas magpatutog, kala mo sila lang nasa compound. Nakakadamay na sila. Nakakabulahaw. Aba, sa bahay ako nagtatrabaho ano. Sumosobra na sila. Mapapakain ba nila pamilya ko? Makailang beses na ako kumatok sa pinto nila, minsan may dalang bulaklak, tanke, mga santo-santo.

Hindi ako makakilos ngayon. Hindi makapagtrabaho. Hindi rin naman makareklamo.

Paulit-ulit na lang kasi ang Rihanna nila. Nakikiusap: Please don't stop the music. Music. Music.

Peb 9, 2008

Sefirot VII

i. Myopic ang 1/6 ng populasyon ng daigdig.

iv. Sapagkat hindi mapagpasyahan ng taxonomy kung mammal o ibon ang platypus, may proposisyon ang 1 siyentista na “patayin lahat ng platypus!”

vi. Umuusbong na ang fingerprints sa ika-9 na linggo ng tao sa sinapupunan.

v. 8 tumakas mula sa bilangguan sa Cavite.

viii. Bilang kompromiso sa ika-2 Utos na nagbabawal sa pagbuo ng mga imahen ng anumang nasa langit, daigdig, & katawan ng tubig sa ilalim ng daigdig, biniyayaan ng ilang artisanong Hudyo ang mga imahen ng tao ng ulo ng ibon.

iii. Identity ang game show sa Estados Unidos kung saan nanalo ng grand prize na $500,000 ang 1 Filipino.

ix. Noong ika-7 hanggang ika-8 dantaon sa Ireland, ang pagkitil ng buhay ng 1 eskribano ay pinapatawan ng parehas na parusa sa pagpatay ng obispo.

vii. Sortes Vergilianae

ii. Mahina ang kanyang tinig nang tinanggihan ang Jollibee.

Peb 1, 2008

Sefirot VI

iv. Kapag tama ang anggulo & sapat ang puwersa ng sapak sa mababang bahagi ng likod, mapapaputok ang kidney & sa gayong paraan malalason ang dugo.

ii. Nasa kalagitnaan siya ng sobrang galit nang biglang napabahing.

viii. Sagrado ang ibon sa Mesopotamia sapagkat tinuturing ang anumang bakas ng kuko at tuka nito sa basang luwad bilang cuneiform ng mga diyos.

iii. May dila na ang tao pagpatak ng ika-8 linggo sa sinapunan.

vi. Aistheeta kai noeeta

ix. Inaresto ang maestro ng 1 kuwadrang sumo, kasama ang 3 senior na manlalaro, dahil sa pagbugbog & pagpatay sa 1 baguhan.

vii. Ang nasirang si Suharto.

i. Sa gabi naninilo ang karamihan ngunit di lahat ng mga kuwago, & bobo ang lahat ng kuwago kumpara sa ibang mga ibong mandaragit.

v. Dahil sa paniniwala na may pang-6 na pandamdam ang tao kapag siya ay pinagmamasdan, nakaugalian ng mga asesino ang pahilis na pagmanman.

Ene 25, 2008

Sefirot V

iv. Hate the game, not the player.

i. Ayon sa leyenda, linggo-linggo isinasaayos nina Hanani & Hoshaiah ang mga titik ng Sefer Yezirah upang makalikha ng 3 taong baka na kakatayin para sa hapunan.

vii. 3 ang kanyang taghiyawat.

viii. Buntis ang tawag sa baterya ng mobile kapag nasobrahan ito sa kuryente, namaga, & nawalan nang silbi bukod sa pagpapaikot nang parang trumpo sa “tiyan” nito.

ii. Sapagkat tinanggap na pambansa ang utang na P3.798-T, nakapanata ang bawat Filipinong sanggol, tinedyer, & matanda sa personal na utang na P42,656.45.

vi. Sa pag-aaral ng mga asesino sa bibig, nagniniig ang pagkilala sa gutom & paghubog sa gutom ng target.

iii. 4 ang naghati sa jackpot ng Super Lotto na P133-M.

ix. “Diplomasyang pingpong” dahil inimbitahan ng Tsina ang Estados Unidos na magpadala ng kupunan sa Table Tennis Tournament noong 1971.

v. Daga ang watawat ng taong 2008.

Ene 23, 2008

Opening Rites

I said no to the Los Banos students who wanted to be excused from classes to attend the Opening Rites of the Centennial in Diliman. They insisted, so I insisted on my No. They said, But it's going to be historic, sir. Their other teachers said so. The papers. The upperclassmen. The religious groups. The frats. The activists. In that progressive order. I said, Historically, the university brought the Philippines to it's current state. They of course protested. That's what students are for. They said, Sir, you can't blame the university! I said, If that's the case, what's the school's excuse to last another hundred years? But they already heard the word "excuse" and took off. In their wake, they left the corridors, SLEX, and EDSA, littered with maroon and green confetti.

Ene 19, 2008

Sefirot IV

iii. Alay ni Richard Wilbur ang mga pariralang “matatas kayong managinip” sa mga makatang Etrusci sapagkat nanatili ang kanilang mga titik hanggang sa panahong wala na, ni 1, ang makahagilap sa malayong wika.

viii. Dinukot ang 5 pinagsusupetsahang nagbabalak ng destabilisasyon ng pamahalaan.

v. Ang kamatayan ng maligalig na henyong si Bobby Fischer sa edad na 64.

i. Kambal ang kanyang tawa & yamot tuwing bumibigay ang kanyang takong.

vii. Ang bibig ng target ang huling hantungan ng mga lasong niluluto ng asesino mula sa mga sangkap gaya ng mga halamang-dagat, puffer fish, almond, sari-saring bulaklak, &bp.

vi. P3,732 kada bariles ng krudo.

ii. 8 crewman ang naligtas sa may Batanes.

ix. Aklat ang uniberso, & ayon sa mga Hudyo susi ang tamang kombinasyon ng mga letra & numero sa pag-intindi sa daigdig & paglikha ng buhay dito.

iv. Nympha vox