*ring ring
SEC: Hello, sino po sila?
REU: Uy, baka naman lumabas na resulta.
SEC: Ng ano po? Hindi pa yata.
REU: Yung sa best dissertation, anong sabi ng judges?
SEC: Bawal po yun, sikreto pa po.
REU: So meron na nga?
SEC: Wala pa ho.
*ring ring
SEC: Hello.
REU: Ano bale ang results natin?
SEC: Ser? Katatawag nyo lang, wala pa rin po.
REU: Sikreto pa raw ba, hindi pwedeng ipasabi?
SEC: Tumpak po! Hehe.
REU: So meron na nga, otherwise walang ililihim di ba?
SEC: Kung gusto nyo ho, tawagan nyo judges.
REU: A ganun ba. Anong numero ba? Pangalan na rin.
SEC: Nay! Lalong bawal yun!
REU: Ikaw naman, atin-atin lang.
SEC: Ayoko lang pong maghanap ng ibang trabaho sa init ng panahon ngayon.
REU: Okey, ganito na lang, iha. Nanalo ba ako o hindi?
SEC: Hindi po.
REU: . . .
*ring ring ring ring . . .
*ring ring ring ring . . .
*ring ring ring ri–
SEC: . . .
REU: Hello?
SEC: Hello po.
REU: Uy! Andyan ka pala.
SEC: Lunch break po kanina.
REU: Bawal na naman.
SEC: Wala pong mahalagang tawag pag lunch, in my experience.
REU: Anong experience kung hindi mo naman sinasagot yung phone?
SEC: Ser, next week pa po pwedeng kunin yung hard copy na sinabmit ninyo.
REU: Sinong nanalo?
SEC: Hindi po pwedeng sabihin.
REU: Kahit yung first lang, iha.
SEC: Isa lang naman po talaga yung panalo.
REU: Ganito na lang, ano yung topic niya?
SEC: Wala siyang topic.
REU: Hindi nga, kahit topic lang.
SEC: Bawal sabihin kahit kung anong department niya.
REU: Hindi ba talaga kami pwedeng mag-tie?
SEC: Ay! Buti po pinaalala ninyo, magsi-CR lang ako.
*ring ring ring ring . . .
*ring ring ri–
SEC: Hello!
REU: Ayan, hello! Paki-suggest mo naman sa judges na tie na lang kami–
SEC: Hello! This is Farmacia Amiga! If you want your Viagra reserved, PRESS 1. If you want your purchase doubled, PRESS 2. If you want to use your Senior Citizen card, PRESS 3.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento