Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Set 18, 2012
Mula sa Nouvelles en trois lignes
ni Félix Fénéon
aking salin
Pumusta siya na kaya niyang inumin ang 15 magkakasunod na absinthe habang kumakain ng isang kilong karne ng baka. Makalipas ang ikasiyam, si Théophile Papin, taga-Ivry, ay bumagsak.