Mar 19, 2014

Laban sa Labsong

Nitong a-25 ng Pebrero, sa halip na makiusyoso sa mga nagdidilawang liwasan, nag-FB kami ni Hani upang bisitahin ang tula ni Alexander Martin Remollino. Nakasama namin sa usapang ito sina Rogene, Tilde, at syempre, hindi pwedeng umabsent si Aris! Heto ang tula, at pagkatapos, ang naging palitan namin:

Sa Aking Panulat

Huwag sanang tulutan ng tadhana
na ako'y lisanin mo sa gitna ng digma.
Ikaw ang aking maso
sa pagpanday ng isang bayan
kung saan walang taong parang asong nakagapos
habang hinihimod ang paa ng kung sino,
kung saan ang mga tao
ay mga mulawing lahat at di mga kawayan.
Ngunit kung ang iuukit mo lamang sa papel
ay ang mga kahangalang iniluluwa ng mga bibig
ng mga nagpapapansin sa kanilang kasintahan o manliligaw,
mabuti pang ang mga kamay ko'y magkadurug-durog sa riles
o kaya'y tamaan ng isang libong lintik
upang ika'y di ko na mahawakan pa.

H— Interesting yung mga ganitong pagtula sa isang inanimate object (assuming lapis o bolpen o pluma) na parang may sarili itong pagpapasya. At ang lakas ng karakter pa nga nitong si panulat. Bukod sa desisyong mag-exist o lumisan, may tendency ding magsariling larga ("ngunit kung ang iuukit mo"). Pero interesting lalo na panimula yung "huwag sanang tulutan ng tadhana." Parang may nase-sense akong similar effect ng "so much depends upon" ni WCW na pagse-set ng parameters kung paano tatratuhin ang tula at pag-aatas ng bigat, this time, ang object ay panulat. Pero ang kaibahan dito, ang "tadhana" bilang powerful na pwersa ay hindi lang ina-acknowledge kundi may, for lack of a term, passive na pagtutol sa tonong prayer pa. Mas interesting, sa bandang huli ay may in-invoke ulit na pwersa pero opensiba/agresibo naman ang prayer, "tamaan ng isang libong lintik". Ang nakakalito, ito ba ay prayer sa iisang tadhana o ito ba ay pagbubuyo sa digmaan ng dalawang magkaiba at magkataliwas na pwersa?

R— Isa sa pinakapaborito kong tula ni Alexander Martin Remollino. Kung bakit nariyan lagi ang buhay na kontradiksyon ng mga mulat na makata - sa pagpapakalunod sa kagustuhang magsulat na lamang at hindi na makisangkot. 'Yung nagpapatuloy dapat na dialektikong relasyon ng craft at ng craftsmen, the former being the immortal piece of the literary world, and the latter being the mortal, vulnerable being of the material universe prone to the mundane existence of words without a greater purpose. The poem speaks volumes and volumes of how we decide each day to be this way. 'Nung una kong nabasa 'tong tulang 'to parang may deja vu effect sakin - 'yung "you get the feeling that you've known this feeling all along". Parang labsong na alam na alam mo na ang himig pero unang beses mo pa lang narinig. Lalo na 'yung "kahit mawalan na ko ng kamay" mode. Ang tindi 'nung imagery, 'nung struggle to be selfless. Parang titser na imbes na tenga ang piningot ay nangurot ng dibdib, nanguha ng stick ng ratan at namalo ng mga malilikot na daliri ng pagkabatang makata.

D— at! dahil nabanggit ang labsong (hehe), gusto kong tutukan yung act/consequence na ito: if foolish hearts ang tula then (a) railroad finger mash or (b) 1000 bolts of lightning! mas willful ang una, parang alam mong yung makata mismo ang maglalatag ng kamay sa riles. mas industriyal din ang hubog (locomotive), teknolohiya. yung ikalawa ay kalikasan, oo, pero may dalawang shades. una, yung 'tadhana'-type nga na nasabi, dahil hindi natural ang kilos ng lintik dito, lightning doesn't strike 2x pero dito, boom x 1000 sa iisang bahagi ng katawan. ikalawa, may hindi maiiwasang alusyon sa liyab ng 1000 sulo

H— Pinagsama-sama sa tula: artifacts ng industriya + kalikasan vs. tao at teknolohiya + sort of gore + romantic not romantic peg = ang steampunk ng imahe!

T— ang tulang ito, ka-tema ng isang kanta ng Datu's Tribe. yung, Hindi ko kayang kumanta ng *samting* na labsong at pangsyota." anyway, ang nasa top agad ng aking head, immediate after mabasa ang tula ay WILL. may will ang makata na gumow against nung tadhana, dahil nais niyang matanganan ang ideyal na maso---yong hindi labidabi shit. may will din ang makatang ipaubaya na lamang sa pwersang tulad ng lintik ang labidabi na maso, dahil siya, bilang makata, hindi niya kayang talikuran ang panulaan. iba, outside pwersa, ang dapat umutas, sakaling maging labidabi ang maso. naalala ko [sori personal, mapupunta sa akin], naisip ko noon, brain fart lang noong kid pa ako: pag nabaliw ako o naging reaksyunaryo, sana patayin na lang ako ng mga tao dahil yun ang nararapat.

A— Tagal na n'yan, a. 2001, lumabas sa v5.0 ng Tinig.com. Isa rin sa pinakaunang seryosong tulang sinulat n'ya. Pamagat din sana ng libro niya ng mga tula na mula 2005 hanggang taong kasalukuyan e naipit sa limbo sanhi ng iba't ibang hindi maipaliwanag na dahilan.

D— Tilde, pero dapat sa riles ng MRT ka dudurugin, sang-ayon sa tula. Kasama ng mga karerista't makasarili ang poetics! Sabi ni Aris (Hi Aris!), 2001 pa ito at kung gayo'y hindi naman pala patutsada sa pagkober ni Bamboo ("at di mga kawayan") ng "Tatsulok"

T— ang messy! pero oks lang, ang metal!

Walang komento: