Ipinapakita ang mga post na may etiketa na vallejo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na vallejo. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 1, 2020

Puting Bato

 What is the Secret to  Long, Happy
rivers, and swaying
at hindi namin malilimutan ang
slumber like

Ever wondered how the deceased looks
"weakened," although it may still bring violent
tulong para maialis ang ibinuwal na
assailant using a sawed
heart a hundred times," but each moment of
clearing operations ng
kanyang sarili para sabihin kung anong klase
humambalang sa
safety

Living
Creatively
breaks in half due to swollen
alaala ng nakaraan na amin pa kayong kasama.

Take a look
matabunan na
their dogs
at napinsala ang ilang barong
kaugnay sa hagupit ng
mga tindahan sa loob
preparing the hot

Kaway-kaway sa
kung gaano kalalim ang tumabong buhangin sa
rare Blue

Patuloy na nararanasan ang malakas na
solidified his grip of
our interactive
time to be in a nature
at mga debris

Umabot hanggang bubong ang
Shovel just shook
what they believe. In the coming
bangon na lang uli, ready
at patuloy na humihina.

Ene 16, 2015

Rue

Say of Paris that one day you grew tired of walking.
The meters calling up the bags to visit, not to come

over as friends. A Cesar whistled to be stoned
there, was forgiven for sentiment, re

marked, membered. Minded a pat
square between the blades. As if you’d have flicked my

Marcelo a cigarette, spitting as you do at your gutters

to groom the mice.
Surrender the most obstinate of our traits.

Hul 14, 2012

Mga Malalayong Hakbang

ni César Vallejo
aking salin


    Natutulog ang aking ama. Ang kanyang maharlikang mukha
ay nagpapahiwatig ng mapayapang puso;
kaytamis niyang tingnan ngayon . . .
kung may anumang mapait sa kanya, tiyak na ako iyon.

    May kapanglawan sa bahay; may pagdarasal;
at wala ngayong balita tungkol sa kanyang mga anak.
Naalimpungatan ang aking ama, pinakikinggan
ang lipad pa-Ehipto, ang paalam na panakip-sugat.
Napakalapit na niya ngayon;
kung may anumang malayo sa kanya, tiyak na ako iyon.

    Naglalakad ang aking ina sa halamanan banda roon,
nilalasap ang lasang wala nang lasa.
Napakabanayad na niya,
labis na pakpak, labis na paglisan, labis na pag-ibig.

    May kapanglawan sa bahay na walang maririnig,
walang balita, walang luntian, walang kabataan,
at kung may anumang nawasak ngayong hapon,
at kung may nahuhulog, kung may lumalangitngit,
iyon ang dalawang lumang landas, puti at kumikilo,
at nilalakaran ang mga ito ng aking puso.

Okt 5, 2007

Paris, Oktubre 1936

ni Cesar Vallejo
aking salin


Mula sa lahat ng ito ako ang nag-iisang umaalis.
Mula sa bangko lalayo ako, mula sa aking pantalon,
mula sa aking dakilang kalagayan, mula sa aking mga kilos,
mula sa aking bilang na hinati mula gilid hanggang gilid,
mula sa lahat ng ito ako ang nag-iisang umaalis.

Mula sa Champs Elysees o habang ang katakatakang
eskinita ng Buwan ay kumikilo,
umaalis ang aking kamatayan, lumalayo ang duyan,
at pinapaligiran ng mga tao, nag-iisa, pinawalan,
tumalikod ang aking anyong tao
at isa-isang dinispatsa ang mga anino nito.

At iniiwan ko ang lahat, sapagkat ang lahat
ay nananatili upang lalangin ang aking alibay:
ang aking sapatos, ang mata nito, pati ang putik
at maging ang kurba sa siko
ng aking kamisetang nakabuton.