Dis 31, 2005

Dalawang tula bago ang taon

Maganda ang holiday isyu ng Philippine Graphic para sa mahilig sa panitikan. May siyam na maiikling kuwento at anim na tula rito. Maiigsi ang mga kuwento, karamihan dadalawahing pahina sa lay-out ng mag. Ngayon ko rin lang napansin na may kuwento na sa Filipino sa Graphic, dalawa yata sa siyam. Sana mapuna ng mga kaibigan at estudyante ko na matagal nang naghahanap ng venyu para sa mga kuwento nila sa Pinoy. Hindi ako sigurado kung maglalabas ang Graphic sa ganitong wika at haba lagpas sa 2005. Maaaring para lang ito sa holiday isyu.

Sana nga, bukod sa pampabuwenas ito ay maging senyal na rin ng mga parating na pagbubukas at pagbabago.

May dalawang tula ako sa isyung ito, "Belen" at "Duwende." Sa Filipino ang una at sa Ingles ang ikalawa. Ayokong palampasin ang pagkakataong magpasalamat sa pagbasa at payo nina Doc Cirilo sa unang piyesa at nina Gummi, Ana, at Nathan sa ikalawa.

Sa lahat ng mga regular at paminsan-minsang napapadpad sa hapag na ito, salamat muli't muli sa pakikisalo. Magtakaw sa media noche! Inaasahan ko ang silakbo ng inyong bagong taon.

Dis 24, 2005

Hindi Panahon, 2005

The news from home is mainly concerned with disaster, floods and gales and houses collapsing. I am very lucky to be here in the warmth and so I will crush down the embittered nausea which the festive season arouses in me and plunge into gaiety with an adolescent whoop.

Noel Coward
December 24, 1954
Diary entry in Jamaica



EKSENA: Nag-uusap ang magkumpare sa telepono. Si M ay may malaking bahagi sa pagmamay-ari ng minahan. Si L ay may ehekutibong posisyon sa kompanyang may logging concessions(L). Kapwa sila may interes sa kompanya ng isa. Malaki ang impluwensya ni M sa kompanya ni L. Pareho silang nakabase sa Oriental Mindoro.

M: O brod. Napatawag ka?

L: Napanood mo sila? Naninisi pa ano? Kasalanan ba natin ang bagyo?

M: Watched them. But hey, alam mo bang me senador o basta mambabatas na sumubok magpasa ng batas, ipinagbabawal ang bagyo? Panahon ata ni Diosdado Macapagal.

L: Ang dapat ipagbawal, brod, taong nagrereklamo sa kapwa tao. Kalikasan iyan, may casualties talaga!

M: Oo nga, pero hot ka e. Si Defensor na nga ang nanawagan na walang sisihan, hindi panahon ng propaganda-

L: Bakit may makikinig pa ba sa kanya? Tayo itong masasakal ang operasyon. Apektado rin naman tayo ng bagyo a. Tigil rin naman tayo, tapos Pasko pa, ano karga de konsyensya ko pa ang kamay naman ng Diyos?

M: Easy lang, brod!

L: Ano ka ba? Dati naman nagpapatakbo ka rin a? Wala ka na bang kamay sa kompanya mo? Bakit parang easy-easy ka masyado. Iba na ang media ngayon, sobra na kung makagatas.

M: Brod, sige mag-vent ka lang. Kaso tandaan sana, it's just another issue. Come new year, come regular ops natin, may bagong susulpot, man. Alam mo ito. Wife and kids, wife and kids, brod. Huwag kang mawalan ng focus.

L: Inaayos ko naman e. Kaso brod, kapag tiningnan mo projections, medyo magkakaproblema talaga ops namin. Kayo rin, malamang sa malamang. Ano lay low? Hindi puwede!

M: Oh these people. Napasadahan lang ng chopper na may rescue at cam, ano? Sabi nga ni Warhol, lahat may fifteen minutes.

L: Kung hindi naman Pasko kinse minutos nila, walang papansin sa kanila, sandali lang rin ang media sa kanila. Kaso gusto talaga nilang mag-capitalize sa irony, brod. Kasi bagyo hataw ang timing. At sila, sige nasalanta sila! Kaso bago ito? Kala mo naman magkaka-ekonomiya pa sa lugar na ito, magkakatrabaho-

M: Brod, keep your eye on the ball, okey? Damage control! Relief goods, missions, the usual, ongoing? I suppose may involvement kayo sa rescue ops? At huwag kang mag-alala, the people are working. Just pay the bills.

L: Diyos ko, bills. Ikaw na nag nagpapakain, ikaw pa ba aasikaso sa pader? So sige, pay the bills-

M: And there are better people to call. Pero of course, of course, sama-sama tayo dito. It's the season after all. At panahon ring maging cool lang, ano brod, tama? Iyon din naman ang praktikal.

L: Salamat, brod. Nangyari na nga rin naman. Alangan namang masira pa noche buena natin dito.

M: Ganito. Watch out for fireworks from my direction. Sa Vista ka naman magdidinner, right? Alas onse, dose, tuloy-tuloy na putukan. Will cheer you up, promise.

L: Salamat. Hindi naman ako makalayo kaya sa Vista lang kami, at oo, matatanaw ko iyan.

M: And you should've called the right people. Pero kung hindi pa nagagawa, palipasin na ang Pasko ha? Tayo ang lulugar sa timing dapat. At regalo, regalo ang pinakamagandang magpalipas ng panahon ngayon.

L: Sige brod, happy holidays sa inyo, pakihalik. At ang inaanak mo bumabati rin, mag-eelementarya na next school year.

M: Good to hear. Listen brod, nakatulong din ang tawag mo sa akin, okay? So get some sleep. We don't always get a wet Christmas. Masarap sabayan ng mainit na tsokolate.

L: Okay, naglabas lang din ng sama ng loob. Salamat talaga.

M: Mga ignorante lang talaga, pabayaan mo na. Merry Christmas, Merry Chrsitmas. The fireworks, okay? The fireworks! O siya sige, brod, bye!

Ibinaba ni M telepono. Sumunod si L.

L: Okay, okay. Sino pa bang dapat tawagan? Sino pa ba?

M: Fucking retard. I can't believe he's staying. Hindi na magtatagal iyon, walang hawak sa sariling bayag. Vulnerable siya, vulnerable ang kompanya niya.

Bisperas ng Pasko. Hindi makasalo nang maayos sa noche buena ng mag-anak si L. Hindi niya maalis sa bintana ang kanyang titig. Walang fireworks. Wala ni isang putok.

Dis 21, 2005

Maagang resolusyon

Hindi ako dapat magbasa ng mga nobela.

Leo Tolstoy
Disyembre 21, 1850
mula sa talaarawan


Hindi ako magbabasa ng kahit anuman sa loob ng isang linggo. Kaya ko kaya iyon? Kahit anumang babasahin, hindi. Kapag may titik, iiwasan ko: libro, talaarawan, e-mail, subtitle, mga paskil at pakilala ng sari-saring tetrapakete nitong nakakahong daigdig. O siya, puwera text. Kasi malabo namang mang-isnab sa telepono sa panahong ito, maski pa selepono iyan.

Si U ang una kong nabasang gumamit ng salitang selepono. Akin na iyan. Ganyan naman ang wika. Si Tolstoy ba nagpiFilipino? Haha. Mas alangan naman kung Ingles. Gusto ko nga sanang gawing Leyo ang kanyang Leo e. O Leio. Bakit ba ang apelyido niya, minsan Tolstoy minsan Tolstoi? Kasi iba naman ang alpabeto ng mga Ruso. Palalampasin ba kung gayon ang Feyodor sa gitna ng Feodor at Fyodor?

Sana lumabas na ang kanyang nobela. Sana hindi sopresa kasi sinira ko na. Si Ava ngayon ang isa sa mga nais kong makausap. Galing kasi siya sa Bukidnon, nagtahimik doon kasama ng mga monghe.

Wala akong nakikitang problema sa paglayo mula sa mga letra. Hindi ito mangyayari ngayong Disyembre. Malamang sa Mayo. Madali ito. Nakapamigay nga ako ng ilang libro e. Ilan na? Halos bente? Masarap palang malamang hindi ka pagmamay-ari ng mga ari-arian mo. Kahit ilusyon lang ang ganitong asersyon, isa lamang kabaligtaran na hindi total na kontradiksyon. Halimbawa, magkakaroon ba ako ng ibayong ligaya kung wala talaga akong pakialam sa mga aklat ko? Hindi. Kung wala talagang hawak sa akin ang mga iyan, saan manggagaling ang anumang damdamin, panghihinayang man o kaluwagan?

Isang linggong walang basa. Kung sa Mayo rin naman, text na rin tatanggalin ko. Wala na ring sulat. Tapos sa susunod na linggo, wala namang satsat. Puro sulat. Sapagkat sikulo ang buhay ng pagpanis ng laway at tinta at muling pagiging sariwa ng mga likidong dumadaloy mula sa utak at atay.

Dis 20, 2005

Tama ka, N

Niroromantisa talaga ang mga malalayo. Lumipad kahapon paalis ng bansa si A-, isang estudyante ko na hindi ko na naipakilala sa iyo. Tinangay na niya ang ilang hangaring ayoko nang isakatuparan.

Dreams are a dime a dozen. Pengeng dime, di pa ako nakakakita noon. Dreams are a dime a dozen. Ano ngayon ang may halaga? Bangungot.

Wala pa pala akong naipapakilala sa iyo ni isa mula sa aking pitong semestre. Sayang, kung nasa launch ka, makikilala mo sila. Ngunit huwag kang mag-alala, imposibleng wala kang makikilala ni isa sa kanila. Nakasulat na sa palad mo. Wala akong kinalaman diyan ngunit pag tiningnan mong mabuti, mababasa mo na halos ang pangalan.

May mga mabait na bumabati sa akin, tol. Kumusta naman daw ang bakasyon. Wala pa akong sinasagot. Naghahabi pa ako ng generic message na hindi mukhang generic. Paano ito? Tip: wala dapat smiley.

Ikaw, matutuloy ba tayo sa a-tres. Si J-, marami akong ibibigay sa kanya: dalawang librong pinapirmahan kay F-, isang libro ng VW, at ayun, basta. Sa iyo, wala kung hindi aklat. Salamat sa tulong mo doon.

Lilipad ka na rin ba agad? Putsa nangungunyapit ako sa mga bagay na pamilyar. Malapit na naman malamang ang panahon na hindi ko na makikilala ang bago kong sarili.

The rolling stone gathers no moss. Minsan magandang gumulong. Ang lumot kasi, warm pero clingy.

May bangungot ako. Isa akong nagtatambling na sirkero. Tama naman ang salo sa akin ng lubid. Ngunit ang lubid ay balbas ng kambing. At maraming masyadong mata ang kambing. Malamang marami ring ngipin. Ngunit dinagdag ko na lang malamang iyon pagkagising ko. Ang mahalaga, nasa tuktok ng asul Kwek-kwek tower ang kambing. Nagyelo ang tore?

Paggising ko, pinangalan ko ang kambing sa iyo. Pasensya na tol, kailangan kong ipagpatuloy ang aking buhay. Ikaw ang malayo, matalino, at mabait. Kailangan ko lang ng sasalo sa kambing na sumalo sa akin kasi nga mahaba pa ang araw ko at marami pa akong trabaho. Alangan namang pag-isipan ko pa ang kambing na iyon?

Gumana naman. Nang ibigay ko ang ngalan mo, naging maamong tupa ang kambing. Hindi ko na maalala ito ngayon maliban sa balbas na lubid, masyadong maraming mata, at pangalan mo.

Kitakits.

Dis 19, 2005

Bakasyon?

A: Pano?

B: Eto p're, lilisanin ang daigdig ala Baudelaire.

A: Ako tsek ng papel, sulat istorya, basa, mawawala paminsan-minsan.

B: Magwawala? Exciting.

A: Hindi tol, mawawala lang. Magsasalin pa ako ng mga bagong kuwento, o di ba?

B: Nagsisimbang gabi ka?

A: Tanghali na ako ginigising ng ubo e. Bakit, dapat ba?

B: E, pano, hindi mo siya ipagdadasal?

A: Nagpapadasal ba s'ya? S'ya itong gusto kong dasalan.

B: Luhuran kamo.

A: Dasalan nga e, hihirit pa ng ganun. Walang bastusan.

B: Tse! Sana alam mo na kapag naglagay ka ng tao sa pedestal, hindi mo na siya pinapakilos.

A: A, s'yempre? Ako kaya nagsabi sa iyo n'yan.

B: So, pano na?

A: Heto, hanggang sa abot ng impluwensya ko sa mga diyoses at herodes ng mundo, hindi kita pababayaang lumipad sa iyong "kahit saan maliban dito," komprende?

B: Ganyan ka naman tol e, clingy.

A: Ikaw na nga lang itong kinakausap ko, iiwan mo pa 'ko. Inggit kaya sa iyo mga kapatid ko.

B: Akala mo lang 'yun. Nagpapasalamat sila sa akin pagkatalikod mo. Tutal nasa paksa na rin naman ng mga kapatid-

A: O ano?

B: Mga kapatid ko walang pake sa'yo, p're. 'La lang. Just want you to know.

A: Kelan lakad mo?

B: Pag-alis mo. Pagkaalis na pagkaalis mismo! Para masaya.

A: Tingnan natin kung sinong lalabas na makabuluhan ang holidays.

B: Bakit, magtsetsek din naman ako ng papel a. Hindi nga lang sa bahay. At mas socially relevant naman mga short story ko kesa sa iyo no. Mapa-Ingles, mapa-Filipino.

A: Tol, Imarket mo kaya. Tingnan natin kung uubra sa society ang relevance mo.

B: Bakit pa? E aalis nga ako dito. Ikaw lalake ha, huwag ka nang magkunwari pa. Alam ko gagawin mo sa papel. Hindi ka magkukwento, I'm sure.

A: Kailangan e. Minsan natatakot ako kapag gumigising ako tapos hindi ko naaalala ang mukha niya. Tapos wala akong retrato.

B: Kaya ako, laging may retrato.

A: Palamigan na lang ng Pasko o!

B: Chever-chever. Palamigin mo mukha mo.

A: Magsawa ka sa kasisimba mo!

B: Leche buena ka!

A: Medya leche lang naman. O siya, dismissed.

B: Pashneya ka na, pakyu ka pa. I outrank you.

A: When last we met, you were the master and I the apprentice. Now I am the master.

B: Kaya nga maghahanap na ako ng ibang mundo no. E dito? Bagay ka dito, p're.

A: That's the worst thing you ever said. Ever.

B: Ha? Palagay ko hindi. Saddest. Saddest lang siguro.

A: Mas kalungkot ang sasabihin ko, tol. Tingnan mo ha? Alam mo ba kung anong salita sa Ingles ang may pinakamaraming sinonim?

B: Lasing, a, drunk?

A: Hindi.

B: O sige, sirit.

A: Run.

Dis 17, 2005

Sori, Kaibigan

Sabi ng kaibigan ko sa akin, "gusto ko lang namang may magbago e. At pagbabago na bukal mula sa dialogo ng aming mga ideyal."

"O ano ngayong isyu?"

"Ikaw, alam mo, lagi kang kritikal. Akala mo sumusuko porke umaatras. Palibhasa iyang estilo mo sa arnis, hindi marunong umatras. May yabang. Kala mo naman porke me yabang me paninindigan. Hindi pa ba ninyo naririnig ang atras na pakunwari lang? Nabasa mo na kay Eco sa Island of the Day Before iyon di ba? Atras na prepa sa atake? A basta, ganoon ang gagawin ko. Hindi ko na kasi alam. Tinutulak ko sila, kaso minsan kapag ang gusto ko lang naman ay itulak sila pasulong, nadadapa sila. Maayos na usapan, oo at hindi lang naman: mag-ayos ng palihan, magsaliksik sa field, anumang aktibidad, halimbawa, iyong magturo sila lagpas sa kampus. Pero ano? Umo-oo tapos "sori" dito, "sori" doon. Sawa na ako sa mga sori! Hindi naman ako nanggi-guilt trip no! Paki ko ba sa mga hang-up? Lahat naman meron nun a. Wala akong gagawin sa mga sori. Kung dati tamad, e di magtrabaho, dating epal, magpakatao nang konti. Kung dati palpak, e di putsa ayusin! Understood na iyon, wala nang sori-sori dahil tama lang namang magkamali. Ang kaasar e paulit-ulit. Ano, tsubibo? Nakakasuka! Ang gusto ko, sumulong! Gusto ko lang-"

"O siya. Ganito. Hindi na ako kritikal, di na, tol," sabi ko, "pero bakit ka ba aalis?"

"Kasi hindi ko na alam ang lakas ko. Nasabi ko na kanina: kapag tinutulak ko, o sige, kahit hinihila lang, nakakasakit ako ng tao. May umiiyak, may nagsosori, may nagtatago, may naiinlab. Pero ang tanong: may nangyayari ba? Andami-daming sugat tapos wala rin palang narating. Nasa square one. O zero. O negative."

"O OA ka lang. Mukhang may nangyayari naman e. May nababago ka."

"Wala," sabi niya, "isang mahabang linya lamang sila ng mga nasagasaan ko. O nahila, kala mo karwahe. Me gapos na bihag at kinakayas ang balat niya sa kalye."

"Basta ito, makinig ka," pasok ko, "hindi mo naman sila pineperahan di ba? Hindi ka nagtatago sa mga ideyal-ideyal vision-vision mo para maging magarbo ang noche buena mo?"

"Hindi iyon ang punto. Ang punto, nakapaa ako at nakapaa ang mga sumusunod sa akin. Kaya ng paa ko kasi nga dahil sa kalyo ng mga ensayo. E sila? Mga balat-sibuyas."

"Mababa ang tingin mo sa kanila," sabi ko, "huwag kang ganyan. Messiah na tono mo."

"Ikaw naman kasi, ano, madadaan mo ako sa consuelo de bobo? 'Buti di ka mukhang pera, buti di ka muhang pera'. Oy, oy! Alam ko ang hindi ko ginagawa. Siyempre naman hindi ako mag-aasal hayop ano, magpapakadupang. Isipin mong nasa antas na tayo ng tao, sige. Kaso hindi na ako makapagbitaw ng kahit anong salita. Kahit ang dating natural: di ako makapag-utos! Hindi ko na makorek ang mga mali. Kahit ngiti ko sa kanila, pinagdududahan ko. Kailangan kong umalis, sukatin ang lakas ko. Pati na lakas nila. Ayoko ng karagdagang biktima."

"Babalik ka?"

"Hay naku," sabi ng kaibigan ko, "parang awa mo na, ikaw, balikan mo ang maestro mo ha? Sabihin mo turuan kang umatras."

"Tinuturo naman sa amin ang pekeng atras ano. Hindi ko nga lang tinututo."

"Bakit?" tanong niya.

"Bakit pa? Pagbalik ko, iyon din naman ang problema? Iyon din ang kaharap. Kahit anong gawin ko, madudungisan pa rin ang kamay ko. Bakit pa ako magsasayang ng oras?"

"Nagbigay ka pa rin ng oras. Bakit pa? Ako, magbibigay nga ng oras sa kanila, mababalahura ko naman sila. Sayang lang mga lakas namin."

"Mas mabuti pa ba para sa iyo," tanong ko, "na mapunta lang lahat sila sa mga ganid na gagatasan sila?

"Hindi."

Bokabularyo

A: Tol, nagpipintura sa bahay, lalala lang trangkaso ko sigurado. Okey na din, mas mahirap lang kung doon pa ako magtagal sa L-.

B: Kala ko ba masaya ka sa L-?

A: Paano kung sobra?

B: Malay ko ba, ikaw 'tong inarte d'yan. Ano ba 'yan, ayaw mo na naman dahil comfort zone, walang challenge?

A: Kumain na lang kaya tayo ng lotus?

B: Whatever! Anuman!

A: Sabihin mo nga "chever".

B: Chever-chever! But chever is sooo last summer.

A: Anong last summer? Hindi nga rin lumaganap 'yan nun no. Ikaw lang yata ang nagpa-uso n'yan.

B: Which goes to show, never try to penetrate swardspeak when you're straight.

A: May kilala akong Pastor, paboritong gamitin "parfait" pag ibig sabihin n'ya e "perfect". Walang pumipik-ap. Ako, pag kausap n'ya, well, minsan. Out of courtesy? Basta, parfait.

B: Wag na. Malamig na. Mag-parfait ka mag-isa mo.

A: 'No ba? Me trangkaso nga di ba?

B: E di sori! Pero p're, inarte lang din 'yan, malamang.

A: Me point ka.

B: Lagi naman e. As usual. I'm such a deep well of insights! Minsan nga nakakasawa na. Mas maganda mababaw na lang kaligayahan ko. At least, laging masaya. Kaso hindi e. Malamang, 'kala mo di ko nakuha 'yung kumain na lang ng lotus no? Ang kailangan mo, sirena.

A: Haha. Oo nga. Ngunit kulang pa 'yun. Dapat me kaibigang papayagan akong makasampol sa boses nila, igagapos ako, di pakakawalan kahit magmakaawa. Well, you know the drill.

B: Bondage? Mag-isa ka.

A: Definitely. Alone.

B: Otherwise, walang challenge.

A: Tangna tol, minsan tuloy naniniwala na akong kaibigan kita e.

B: Kung ikaw ang masusunod, anong kulay?

A: Ano?

B: Sa bahay n'yo, di ba nagpipintura? Anong kulay?

A: Hayop naman kasi sa segue no? Teka teka. Dati may iniisip akong stage, yung backdrop na binigay ko dun, yun ang gusto ko sa kuwarto.

B: Hulaan ko, black?

A: Di no! You're so goth, you're dead. Two-tone tol, cream at burnt sienna.

B: Kulay tae! Shit, shit, shit na malagkit! Sige, ituloy mo, ako bahala sa Glade mo.

A: Gago, hindi kita papasukin dun no. Sa iyo na iyang halimuyak mo, gago ka. Ikukulong kita sa banyo, sasabitan ko ng albatross lahat ng yan sa sinturera mo. Ano nga bang tawag d'yan?

B: Ewan. Belt holes, belt slots, ewan, teka. Belt-

A: Sinturera na lang.

B: Ha? Hindi specific e. Gusto mo lang 'yung, ito, basta! Hindi ka specific.

A: Anong sinturera sa ingles? I mean this, the whole thing?

B: P're, balik ka na lang sa pinanggalingan mo, pede?

A: Hindi ko gusto. Asar ako. Hindi mo lang alam. Mag-isa s'ya nung hapon. Mag-isang-mag-isa kahit andami namin. O andami nila? Basta, basta! Kahit madami, ala s'yang kausap. Feeling ko, kahit me kausap s'ya, wala naman s'ya dun.

B: O sige, absent presence ang drama. Tapos?

A: Gusto kong maging kausap niya. Kaso, basang-basa na niya ako e. Simula pa noong una. Parang alam n'y na pag tinitingnan ko s'ya, dinodrowing ko sya sa bahay.

B: Oo nga. Kung nabasa ka na, huwag ka nang magsalita. Superfluous.

A: Wow. So 'yun ang ang dakilang advice? At 'yun na ang word for the day?

B: Superfluous.

A: Hindi ba pwedeng "lotus" na lang?

B: No way. Ano, ikaw na nga 'tong nagko-confide, sa'yo pa last word?

A: Bakit? Huy at ano ko, solo mic? Magsalita ka kaya, ano ba hang-up mo?

B: Wala, wala.

A: Tol, walang ganyanan. Tulak kita d'yan, gago ka! Spill the beans.

B: Yoko. Paki mo? Superfluous! Superfluous ang satsat. Action is the heroic principle.

A: Puta, ano tayo? Kabayo? So dapat tahimik din lang ako, ganun ba?

B: Your words not mine.

Dis 10, 2005

Maagang Handa

May dalawa akong sinulat para sa Tinig.com na inaasahan kong mapanis bago matapos ang taon. Ang isa ay sanaysay na may amoy ng mraming nakagisnang noche buena, ipinaghalo-halo sa Pinakamahabang Pasko. Ang nasa kabilang plato naman ay kuwentong nilagyan ko ng pinakamapait na gatas sa daigdig: Nestle. Maraming salamat sa pakikisalo.

Dis 9, 2005

Pride

Slept sinfully.

Leo Tolstoy
December 9, 1888
Diary entry


1) And the morning headache because of it! I heard that bad things are coming my way. Thank you, messengers, fly off now and be safe. Alone, I'll get in good enough shape for this.

2) Christmas, bloody Christmas.

3) There is but one story from the expectant mother to the wounded son.

4) It's not important now whether "It began long ago" or "Now it begins." The worthy puzzle is when it ends and how to end it.

5) The red message contains no mystery.

Dis 4, 2005

The Pack

Thinking over what I've written. What a pack of lies intimate journals are, particularly if one tries too hard to be truthful.

Charles Ritchie
December 4, 1941
Diary entry


Too many things now. I finished a story this morning. Within it moves an old-style circumcision, an elder who speaks Spanish when drunk, and a neon-green spider. I'm in the middle of editing the eight-page monster. It's in Filipino, and only the second story in a span of a month that I wrote in Filipino. The first was a translation for Myke's intents and purposes. Vlad gets the original English. There was a week's space between both versions.

Also, two poems yesterday, both of inferior quality. But sacred. It's something I must go through to make sure I'm not pushing my students through anything more than half the work I'm in. They're writing two poems? Two poems and two stories for me. Reading a novel and six poems? A novel and an anthology.

See, whenever I draft a module, I tend to get excited. I want everything on the reading list. That takes less than a day. Most of the work comes from pruning the list, making it more feasible, more humane. To keep this balance, I must myself go through a proportionate module.

Gadamer's revival of Aristotle's phronimos comes to mind. In a crude sum, they're saying that against the clean precision of techne, the craftsman works with the vicissitudes of "feeling through" and endless adjustment that defines phronimos. If you have not experienced it, says Kant, you don't know it.

Again, I'm not working in the best of circumstances. Things could be worse, yes. I'm just glad that at this juncture, I have the luxury of both sides of a written page.

We've started the cycle of PANTAS's workshops. If the coming stories will not go far from the pitch of the first eight pieces, then it's going to be one hell of a semester. And I mean hell in the best possible way, as hot as cool is (or vice versa). I hope I'll be in this sem a hundred percent. My body just isn't. Damned head. Damned gut. The will must push.

I'm tempted to say: "if I don't get a life over the holidays, I sure hope a life is out to get me." But why should I say such things?

Dis 3, 2005

Chronicle of A Sex Foretold

Today, (so early in the morning!) I think about how I shall conduct myself on that glittery, garish night. How I shall move in the shadows until I catch her eyes. Then how, shadowed, I will proceed to enter a deeper night.