Kay laki sa ating pagkabuhay ang nagaganap sa loob—
Ang mga talaarawan ng dalamhati, ang buhol na dila ng kirot
Ng mga di-inaaming pag-ibig ay hindi nabawasan ng katotohanan
Kahit lumipas nang hindi nasabi. Ang ating ikinukubli
Ay laging higit sa lakas-loob nating naipagtatapat.
Isipin ang mga liham na sinusulat natin para sa ating yumao.
Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Mar 29, 2021
Hindi nasabi
china’s—tagalog
Mar 25, 2021
Ars Poetica
Nawa’y ang mga tula’y
maging bakas ng munting kuhol.
Saan man ako magpunta,
kada pulgada: tahimik na talaan
ng pilak na dasal ng paa:
Minsan akong nabuhay.
Salamat.
Dito naganap.
Mar 24, 2021
Triceratops
guhit at pamagat ni Damian Aguinaldo
aking tula
May tatlong magkakaibigan, magkakaibigan
ano man ang mangyari. Sino man ang kaharap,
ano man ang kanilang hugis,
huwag mo silang paghihiwalayin.
Mar 22, 2021
6 years ago, before K+12
—Let’s compare Revitalized General Education Program (RGEP) objectives across time. When I began teaching HUM 1 (2003), I inherited sample syllabi with the following objectives held in common (SET A):
2. Foster a commitment to nationalism balanced by a sense of internationalism
3. Cultivate a capacity for independent, critical, and creative thinking
4. Infuse a passion for learning with a high sense of moral and intellectual integrity
By the time we were fighting against large class and creating HUM 3 (around 2009), we were told that our RGEP objectives were outdated. Apparently, UPLB has been using the following roster (SET B):
2. Foster a commitment to nationalism balanced with a sense of internationalism
3. Create an awareness of various ways of knowing
See how they reduced SET A’s #3 and #4 to SET B’s #3? I asked for clarification in a college meeting. The so-called czar of UPLB’s RGEP replied that UPLB, like other component univerities (CU), had a choice to shape its RGEP objectives from the UP system’s menu of RGEP objectives (see SET A). From the four, UPLB made its three (see SET B) and watered it down further, asking that “a revitalized GE course has at least two of the following objectives.”
Just two. This means we could make a GE without nationalism. And while other CUs kept their #3 and #4, UPLB’s GEs required neither “critical inquiry” nor “intellectual integrity”.
So much for either “excellence” or “honor”.
—
—
—When the rhetoric doesn’t match the curricular objectives (not to mention the budget for someone’s inauguration), we should get to thinking. But it’s exactly that kind of thinking that the power bloc systematically downgraded and devalued in UPLB culture.
UP Mindanao shares our route. Meanwhile, here’s UP Baguio with their “capacity for independent, critical and creative thinking” as well as their “passion for learning with a high sense of moral and intellectual integrity” intact.
—
Mar 19, 2021
aral ng mga nahuhulog na dahon
naniniwala ang mga dahon
ang ganitong pagbitaw ay pag-ibig
ang ganitong pag-ibig ay pananalig
ang ganitong pananalig ay pagpapala
ang ganitong pagpapala ay diyos
sang-ayon ako sa mga dahon
Matsuo
Mar 18, 2021
Panuntunan
Kailangang iugoy sa iyong mga braso ang sakit
hanggang makatulog ito, at iwan
sa pinadilim na silid
at tumiyad paalis.
Isang saglit mong mararamdaman
ang kahungkagan ng kapayapaan.
Ngunit sa kabilang silid
nagsisimula nang kumilos ang sakit.
Sandali na lamang
at uusalin nito ang iyong pangalan.
Mar 17, 2021
112th
—Ma’am, maybe you need to set the post to public. Malamang po naka-set siya ngayon sa friends only.
—
—
—Good evening, Ma’am. Missed your call, but if it’s for an update: I’ve been in contact with all but one of them. Working on condensing their statements into an 8-minute speech. Doable, I think.
—
MS. MARIA V. JAVIER
Outstanding Administrative Aide (Blue Collar)
National Institute of Molecular Biology and Biotechnology
Muli, maraming maraming Salamat po. Mabuhay po Tayong Lahat!
MR. RICHARD A. EDUARTE
Outstanding Administrative Personnel (Field Supervisor)
University Planning and Maintenance Office
ENGR. DONNY REY D. CAMUS OF UPMO
Outstanding Administrative Personnel (Professional)
University Planning and Maintenance Office
MS. DELFINA S. IRINGAN
Outstanding Laboratory Technician (Craftsman)
National Institute of Molecular Biology and Biotechnology
PROJECT SARAI
(Smarter Approaches to Reinvigorate Agriculture as an Industry in the Philippines)
Outstanding Research Team
as represented by Dr. Maria Victoria O. Espaldon
MR. DARLON V. LANTICAN
Outstanding Researcher (Junior REPS/ Natural Sciences)
Institute of Plant Breeding
DR. MARK ANGELO O. BALENDRES
Outstanding Researcher (Senior REPS/ Natural Sciences)
Institute of Plant Breeding
DR. MARIA ANA T. QUIMBO
Outstanding Researcher (Senior Faculty/Social Sciences)
Institute for Governance and Rural Development
DR. VACHEL GAY V. PALLER
Outstanding Researcher (Senior Faculty/Natural Sciences)
Institute of Biological Sciences
DR. CELIA dR. MEDINA
Outstanding Extension Personnel
Institute of Weed Science, Entomology, and Plant Pathology
MS. SHERYL B. POSADAS
Outstanding Administrative Office Personnel
International Student Relations
Mar 12, 2021
Preservative and fragrance
'Not legitimate
over a year, the second
singhutin na para kang rugby
cow’ line. So
napadaan ka. See
tindahan ako. MY
laundry, working part-
bodied. I guess I’m just
punitive, not facilitative. For
the facial expressions vital to
Lumad child despite
flour all over
Honey. She will show you her
power, the less the excuse.
Police seeking to block
transition from postpartum to
oil belongs in your
slurs, taunting & one
tongue, but never
dahil sa blood clot
tinanggalan sila ng kuryente. Tapos
binugbog ng mga hipag dahil sa
areas in Addition
so blank, emptied. That’s
ordering banned testosterone for
a matter of transparency.
f n r l
Saksi
Nais kong sabihin
kung ano ang mga gubat
Kailangan kong magsalita
sa nakalimutang wika
Mar 11, 2021
formal—damage
Mar 7, 2021
Buwan sa Bintana
aking salin
Sana puwede kong sabihing ako ang tipo ng bata
na tutunghayan ang buwan mula sa kaniyang bintana,
susundan ito, at magtataka.
Hindi ako nagtataka. Nagbabasa ako. Madidilim na senyas
na nangangagsigapangan tungo sa bingit ng pahina.
Nakailang taon din ako bago tubuan ng puso
mula sa papel at pandikit. Lahat na sa akin
ang lente, kasingliwanag ng buwan,
isang butas na nagliliyab sa ilalim ng kumot.