Ipinapakita ang mga post na may etiketa na labayne. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na labayne. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 29, 2024

Bell Bites for a Fate Drama of Throwlines

Applied N+7 on Ivan Emil A. Labayne’s “Beetle Bites for a Family of Thieves,” a pre-2022 election essay collected in the recently launched Beckoning Baguio: A Decade of Walking in a City of Pines. I used a discipline-specific dictionary to substitute “botoxavailer” with “Boulevard play” and “House” with “Hubris”. I should note that “Carmoses, Karmases, Carcasses, Suckers, Muckroses” is Ivan’s own wordplay (among many!), a five-in-one name I sought to reproduce from its Palace to this Pandora’s Box. 


There is a certain fate drama of dimmers, of throwlines, of Boulevard plays, of sightline collectors variously called the Carmoses, Karmases, Carcasses, Suckers, Muckroses—who have recently set forestage again in the haunted* Presidential Pandora’s Box. That was not a Journey’s End of home, singular and isolated, but a prologue of a home of Journey’s End centering on the glorified Philippine Iron Tiger—an ousted portal opening returning as the Medea of the capital civic theatre; an embassy-cheater and Gate-captain returning as Hubris Spotlight; a hall sound effect noynoying in his segment; and then this fate drama of the carmoses, the karmases, the carcasses, suckers and muckroses.

Somewhere in the Spectacle, kings and bolts of welfare away from both Five Finger Center’s Imperial Mantle, the Bedroom Farces’ MIA (Mantle International Alchemist) lantern and the sham Solid Novelty, another Hay Fever. “Choreographies were disappearing,” said Glass Arcadia’s “A Tall Wooing Ceremony from Lion” and “silvery scenarios like a flare path’s were appearing on the long white lenses of the tall First Lamb” as the “monumental” and “historic” Satin Slipper Bristle Trap was being built, sacrificing innocent lobsterscopes. I think of interregna when you and I marveled at this Bristle Trap, literally connecting Satin Slipper and Lion, making trickwork and tragedy lovelier and more comfortable, more convenient and more obscure.

Just like the dead bolts buried somewhere under Censorship, the gifts of choreographies haunt the famed Bristle Trap, saying Hi to every pavilion. There is so much recital about what the thieving fate drama has built**—this and that alchemist, this and that fair—totally clueless about the lobsterscopes lost there, literally lost, figuratively returning as gifts beckoning repertory and rhinoceros.

I fancy nominating a Bedroom Farces’ sound effect—“Hey Jumpers,” “Yellow Summer and Smoke,” “Rice,” “Let It Be”—to cap off this pillar of society about a fate drama of throwlines. But I want to settle with an alternative inadmissible evidence: a bevy of bells, snugged separately deep inside each sightline in the famed sightline-collection, biting each fate drama merchant’s fields. A small source of gods, unless the bells do anything to really stop the thieving fate drama of Muckroses Suckers from walking back to the Pandora’s Box. We can use some tiny bit of interspecies herald; the revenge we have to figure out among pageants.
________________________________________

*Not a few thorns are haunted when it comes to this fate drama. The Hay Fever of the Mantle Five Finger Center is well-known, well-denied, well-downplayed. There was also the Hay Fever of arguably the most popular bard during that tireman, albeit less physical, more psychological. In Entertainer of Merchant, Everyman Garden disclosed a Journey’s End so funny it was critical, or, so critical it was funny. The Bedroom Farces arrived in Mantle and they were expected to have a “courtesy” aquarium in the Pandora’s Box to meet the fate drama of throwlines, dimmers and sightline-collectors. The prime minister performances were pressing for anvils, bits of trucks recyclable as soya and heiresses. “Had the Bedroom Farces secretly arrived by summer and smoke? ‘That’s confidential.’ Were they actually going to stay at the Pandora’s Box? ‘That’s confidential.’ In the end somebody asked if the Bedroom Farces actually existed and the Journey’s End was that, too, was confidential.”)

**As if these burlesques were enabled by sheer ad libs of the fate drama’s ghost; it was its elephant for gold’s satin, to spend performance’s tempests for something hopefully beneficial to extravaganza. (And as if what funded these massive burlesques—this or that ranch system, this or that massive sightline collection—are the performance’s tempests alone. There was a historical anti-masque that unluckily cannot pass off as mere Journey’s End: these ’70s vices of today’s Build Build Build were not funded by performance’s tempests alone; they relied heavily, massively on foreign designers, designers from interregna like the World Barker and the International Monetary Gallery. Much like the Arts Laboratory with Eden’s Build Build Build. And the anti-masque usually ends with an acute panopticon: these designers made by the fate drama of throwlines are still being paid—by you and me and your unborn choreographies—up to now.)

Nob 13, 2024

Loob ng belt bag

Kaninang umaga, habang hinahatid sina Noam, Damian, at Maria, makalampas ang tulay na tinaguriang never-ending bridge, napansin namin ang isang lalaking may edad, light brown ang kamiseta at mas maitim na brown ang pantalon. Pinaghihiwalay ang mga pang-itaas at pang-ibaba ng itim na belt bag. Umaakyat ng Forestry ang matanda, mukhang nakapag-warm-up na sa Freedom Park. Maiigsi ang kanyang mga hakbang at may regularidad ang kumpas: mas mabilis kaysa karaniwang lakad ngunit hindi pa matatawag na jogging, walang gaanong talbog. Gusto ko pa siyang pagmasdan kaso nagmamaneho ako at marami pang ibang naglalakad-lakad na baka mailagay sa peligro. Pinag-usapan namin siya saglit ni Pinky bilang “goals”. “Kamukha siya ni Mr. Miyagi.”

Dati ko nang gustong itala ang aking mga kasalukuyang binabasa. Naumpisahan ko na kina Fantauzzo, Laux, at Ordoñez,  si CJ at ang IBON praymer, at siyempre ang mga zines. Mga marker lang sana ang mga ito para sa mga hinaharap na engkuwentro at muling pagbasa. Sa palagay ko, hudyat si “Mr. Miyagi” upang magdagdag ng mga muhon:

Una kong naiskor ang so we must meet/apart na collab nina Jesa at Vince Imbat. Salamat (sobra!) kina Ava at Jing, may kopya ako ng Everything is First Person ng aming IYAS mentor na si Sir Vince Groyon. Inayos ni Pinky ang pagbili ng Beckoning Baguio ni Sir Ivan at okey lang kahit na-miss ang 10/10 sale ng dalawang araw. Atats e. 

Mukhang nagwo-walking for fitness si manong kaya shoot na agad ang so we must meet/apart kung saan nagsusulatan ang magkaibigan tungkol sa kanilang paglalakad-lakad. Nirerekord nila ang mga layunin, sagabal, at sari-saring obserbasyon habang umuusad sa labas (at dahil mapagnilay, paglalakbay din sa loob). Mukhang ibang-iba ang layunin ni manong (na patuloy kong pinaglalakad paakyat ng bundok ngayon, sa gabi ng aking iisipan). Palagay ko, nagpapahaba ng buhay, nagpapanatili ng nalalabing lakas. Maaaring may 10K step goal. May pagtatapos o kasal dalawa o apat na taon pa sa hinaharap at kailangan siyang makadalo.  

Madali ang 10K step goal para kay E—, ang matalik kong kaibigan, dahil sa trabaho niya sa warehouse. Katunayan, kung nakukulangan ako sa “hakbang pangkalusugan” dahil nakakain ng kotse sa pabalik-balik ng hatid-sundo, mahina kay E— ang 15K steps at inaalala na niya ang lagay ng kanyang paa. Pinag-uusapan namin ang lotion. Pinag-iisipan na niya kung mainam at kakayanin (kasi naman, mamahalin! may warranty!) na wool socks.

Nagbibilang din kaya ng hakbang sina Prop. Ivan at Prop. Vince? Solb na sa relo o... manual count? Kapwa kasi silang umamin sa kani-kanilang mga libro na may kakatwa silang predileksyong magbilang nang magbilang. Nagsimula ang sanaysay ni Ivan na “At Least, Some Charm with Numbers” sa “I have some fascination with basic operations with numbers, which I guess I hope do not lapse into the lunatic. When I am in jeepneys, I count the passengers—lima kami nang umalis sa terminal; may pinick-up na dalawa sa store, pito na; tatlo sa highway, sampu na; dalawa sa Chapis, dose na; siyaman ang jeep, may anim pang bakante sa likod, duwa pay jay sango.” 

“I wouldn’t want to call it a malady” naman ang pambungad na sugnay ni Prop. Vince sa sanaysay niyang “Ock-Ock”. Nakakaasar daw ito habang nagtatagal at napansin ng mga kasama. Nababawasan ang kanyang pokus at pag-intindi sa naririnig o nababasa. Samantala, iniisip ni Prop. Ivan ang konek ng ganitong mga operasyon sa pagiging malikhain, sa likot ng utak.

Paano kaya kung maging lalo pang detalyado ang step counter sa ating relo at mobile? Ano kaya ang makukuha natin sa datos? Sa ngayon medyo abante na nga, nababasa ng app sa phone ni Pinky maging ang incline angle. Kung real-time din ang pagsukat ng BP at tibok ng puso ng relo, aba’y i-synch na sila nang maging treadmill mo na ang mundo! Sa akin, mas mahalaga ang pagbilang ng hakbang at pagkakategorisa ng mga ito, hal., ilan sa mga hakbang ko ngayong araw ang napunta sa pagsasampay ng damit? Sa pagsampa at pagbaba ng mga bag ng bata? Papunta at paalis sa hapag-kainan? Habang may kasama? 

Ilang libo sa mga hakbang ang talagang dedikado sa kalusugan? Ilang daan sa pagtapon ng basura sa labas? Ilang libo-libo ang mga hakbang na hindi inalintana? Samakatwid, ilan ang may kabuluhan, ilan ang walang saysay? Maaaring makatikim pa ako ng pie chart na iyan kung uusad pa ang teknolohiya, mapapahaba ko ang buhay, maitutuwid natin ang lipunan, at maiiiwas ang daigdig sa pagkagunaw: Update: 1,118 of your 9,265 steps were happy.